- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
#Sparkling SM Mallidays, inilunsad ng SM City Batangas
- Details
- Monday, 11 November 2019 - 11:29:00 AM
Handog ng SM City Batangas ngayong taon ang #Sparkling SM Mallidays bilang tema ng kanilang Christmas kick-off na isinagawa sa kanilang atrium, November 9.
Ayon kay SM City Batangas Mall Manager Gemina Buenaflor, ibat-ibang gawain at atraksyon para sa kasiyahan ng buong pamilya ang kanilang inihanda.
“Christmas is truly the brightest and happiest time of the year. From dining to gift shopping, or enjoying fun experiences – for 61 years, SM has witnessed every Filipino family’s milestones and celebrations,” sabi ni Buenaflor.
Muling magkakaroon ng meet and greet ang mga bata kay SM Santa. Maaari ding mag wish sa pamamagitan ng paggawa ng sulat kay Santa Claus na ihuhulog sa #DearSMSanta mailbox na naka station sa balloon wheel sa ground level o maaari ding maglog in sa #DearSMSanta website (www.smsupermalls.com/dearsmsanta) upang magkaroon ng pagkakataong manalo ng exciting giveaways.
“We know how much Filipinos love unboxing gifts especially during the holiday season and now we are taking it to digital. Join the Digital Christmas Unboxing for a chance to exclusive deals and surprises from our tenants and partners,”dagdag pa niya.
Pagkakataon din ito upang makapagpaligaya ng isang batang kapospalad sa pamamagitan ng pagtangkilik sa SM’s “Bears of Joy Program” kung saan sa halagang P200 ay makakabili ng dalawang teddy bears na ang isa ay ibibigay sa charity para sa mga bata. Ito ay tatagal hanggang December 25. Sa kasalukuyan, may 60,000 bata na ang tumanggap ng regalo mula sa Bears of Joy na sinimulan noong 2011.
Naghandog naman ng entertainment ang GMA cast ng afternoon teleserye na PrimaDonnas kung saan tampok sina Elijah Alejo, Althea Ablan, Sofia Pablo at Vince Crisostomo gayundin ang batang araw araw na napapanood sa Unang Hirit na si Yuan Francisco.
Nagtanghal din ang mga local talents na sina World Championship of Performing Arts (WCOPA) delegate Kirby Olit at ang University of Batangas dancers at chorale.
Sila rin ang nanguna sa grand light- up ng centerpiece kasama si Santa Mascot. Masayang nagtapos ang event sa pamamagitan ng confetti blast.
Tampok naman ang SM Christmas Parade sa December 8 at 26 sa ganap na 2:00, 4:00 pm at 6:00 ng gabi at ang inaabangang Holiday Light Show o Fireworks Display sa December 25 at December 30.
Ang okasyon ay dinaluhan nila Board Member Claudette Alday at City Tourism Officer at Cultural Affairs Committee Vice Chairman Eduardo Borbon, Vanessa Palas na kinatawan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha at ang mga nagwaging Mr & Ms UB at Mr & Ms LPU Batangas.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.