- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
High school seniors sumasailalim sa work immersion sa city gov’t. offices
- Details
- Tuesday, 12 November 2019 - 6:08:00 AM
May 33 Grade 12 students ng Marian Learning Center and Science High School (MLCSH) ang sumailalim sa work immersion sa ilang mga opisina ng pamahalaang lungsod ng Batangas, November 11- 12, upang malaman nila ang functions at operasyon ng mga ito bilang requirement sa kanilang graduation.
Ayon kay Kevin De Castro, work immersion teacher, taong 2015 sila nag offer ng ibat-ibang track tulad ng Humanities in Social Science (HUMSS) HUMMS, Information, Communication Technology (ICT), Tech Voc, Welding at STEM subalit ito ang unang pagkakataon na pumunta sila sa ibat-ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod.
“Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga senior high school students na makita ang “real work situation” at matutunan ang work ethics at values na hindi matututunan sa pagbabasa lamang ng aklat,” sabi niya.
Sa unang araw ay nagpunta sila sa Sangguniang Panglungsod at nagkaroon ng pagkakataong makapanood ng sesyon.
Sa ikalawang araw naman ay nagtungo sila sa Batangas City PNP, Tourism Office, Public Information Office (PIO) at Human Resource Management (HRM).
Ayon kay Zandra Mago, 18 taong gulang na grade 12 HUMSS student ng MLCSH, nais niyang maging broadcaster sa hinaharap. Marami aniya silang natutunan at lumawak ang kaalaman sa functions ng local government at nakita ang mahalagang papel na ginagampanan ng PIO sa paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa publiko .
Lubos ang kanilang pasasalamat sa pagkakataong ipinagkaloob at pag-accommodate sa kanila ng pamahalaang lungsod.
Samantala, may 14 na Grade 12 STEM students ng Paharang Integrated School ang sumasailalim ngayon sa work immersion sa mga departamento ng pamahalaang lungsod. Ito ay mandato ng Department of Education na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga senior high school students na mai-expose sa ibat-ibang trabaho at larangan na makakatulong sa kanilang career sa hinaharap. Ang 80-hour immersion ay nagsimula noong November 11 at tatagal hanggang November 22. (PIO Batangas City
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.