- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Suporta ng pamilya sa pangangalaga ng miyembrong may diabetes mahalaga
- Details
- Thursday, 14 November 2019 - 3:18:00 AM
BATANGAS CITY- Ginugunita ngayong November 14 and World Diabetes Day (WDD) sa temang “Family and Diabetes” upang bigyang diin ang papel ng pamilya sa tamang pangangasiwa ng kalusugan ng kanilang miyembro ng may sakit nito.
Kaugnay ng okasyong ito, nagsagawa ng lecture tungkol sa diabetes ang City Helth Office (CHO), na dinaluhan ng kanilang mga diabetic patients. Ang awareness slogan ng CHO ay “Together we can stop diabetes”.
Naging resource speaker si Dr. Florence Santos, endocrinologist at president ng Batangas Medical Society. Binigyang diin niya ang importanteng papel ng pamilya sa pamamagtian ng suporta sa pangangalaga ng kanilang miyembrong may sakit nito.
“Nagagamot ang diabetes pero hindi ito nawawala, subalit nako control, Dapat maging goal natin ay prevent complications. Ayaw nating mabulag, ayaw nating ma dialysis, ayaw nating maputulan ng paa Kailangan lamang ang magandang compliance sa gamot, magandang compliance sa diet, magandang compliance sa exercise at siyempre magkaroon ng tamang kaalaman about diabetes para hindi po magkaroon ng mga komplikasyon at maling kaalaman sa paggagamot ng diabetes. Importante rin ang magpakonsulta sa doctor”, sabi niya.
Ipinaliwang din ni Dr. Santos na nanganganib na magkaroon ng diabetes ang sobra ang katabaan, may glucose intolerance, walang ehersisyo at hindi maayos ang pagkain. Kabilang sa mga sintomas ang laging pagkauhaw, pagdanas ng matinding gutom, pagkapagod, biglaang pagbabawas ng timbang, madalas na pag-ihi, panlalabo ng paningin, at pamamaga o pamumula ng gilagid.
Nakokontrol aniya ang diabetes sa pamamagitan ng diet, pagbabawas ng timbang, pag-eehersisyo, pagbabago ng lifestyle, pag-inom ng gamot, at pagtuturok ng insulin.
Pagkatapos ng lecture, nagkaroon ng aero dance contest ang may 90 pasyente upang bigyang diin ang halaga ng ehersisyo sa pag control ng diabetes.
Sa datos ng CHO noong 2018, ang diabetes mellitus ang ika anim sa 10 nangungunang dahilan ng pagkakasakit at ika pito sa mga sakit na dahilan ng pagkamatay.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.