Public elementary schools lumahok sa earthquake drill

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

BATANGAS CITY- Sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) lumahok ang Batangas City sa 4th quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, November 14, bandang 9:00 ng umaga kabilang dito ang ilang public elementary schools,

Ayon sa CDRRMO, regular nilang isinasagawa ang earthquake drill upang mapalakas ang kahandaan sa lindol.

Kabilang sa lumahok sa earthquake drill ang Sampaga Elem. School, Sirang Lupa at Conde Labac ES. Kasama rito ng CDRRMO and Bureau of Fire Portection.
Maayos na nakasuod sa drill ang may humgit kumulang na 420 estudyante ng Sampaga ES. Sa pamamagitan ng duck, cover and hold position, pag-upo sa ilalim ng mesa, pagtatakip ng ulo habang nakaupo at pananatili sa kinaroroonan hangggang hindi natatapos ang lindol (tunog ng sirena). Pagkatapos ng maingat at maayos na paglabas sa gusaling kinaroroonan, nagpagpunta sila sa mga itinalagang ligtas na evacuation area at head count ng mga taong naroon upang matukoy kung may naiwan o nawawala.


Ayon kay Thelma Dinglasan OIC Principal ng Sampaga ES, malaking tulong sa kanila ang ganitong pagsasanay. “hindi natin matutukoy kung kailan mangyayari ang pagyanig. Mas mainam na maging handa tayo sa lahat ng posibleng kalamidad na maaaring mangyari tulad ng lindol sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan upang alam natin ang gagawin sa oras na mangyari ito.”


Ayon naman kay Julius Malantic ng CDRRMO, dini discourage nila ang mga paaralan na gumamit ng fire alarm dahilan sa napag aralan nila na mas mainam ang gumamit ng patunog na dagundong upang maging mas alerto ang pagtugon ng mga estudynate. ikinuwento ni Malantic na “kagaya noong lumindol sa Quezon may mga bata na hindi umalis sa kanilang upuan at hindi nag DCH dahilan sa ang inaantay nila ay fire alarm kahit may naririnig na silang malaking dagundong kaya mas mabuti aniya na palitan na lang ang alarm”.