Graduates ng technical course sa TESDA tumanggap ng financial assistance

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

BATANGAS CITY- Tumanggap ang 20 scholars na nagtapos ng Contact Center Servicing NCII training course sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng P1,580 bilang Private Educational Students Financial Assistance (PESFA) mula sa opisina ni Congressman Marvey Marino, Nov. 15 sa Sports Coliseum.

Ang P1,580 na natanggap nila ang kabuuan ng P60 per day allowance at P500 book allowance sa loob ng 18 days nilang training na may kabuuang 44 na oras.

Bukod sa Contact Center at Computer System Servicing, nag oofer din ang TESDA ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) at Special Training for Employment Program (STEP) na libreng ipinagkakaloob ng ahensya.
Upang maging beneficiary ng PESFA, dapat ay isang high school graduate ngunit ang unang 20 aplikante na makakasumite ng requirements ang makakatanggap ng assistance.


Makakatanggap ng NCII Certificate ang mga nakatapos ng training at maaari ng makapagtrabaho sa hanapbuhay na may kaugnayan sa mga gadgets, computers, telecommunications at maging sa customer service. Maaari rin silang ma hire ng Allorica Call Center sa Lipa City at TAS AS call center dito sa Batangas City sa pakikipag-uganayan ng TESDA.


Ayon kay TESDA Provincial Director Rhosalie Amazona, maaaring mag-aral ng iba pang i kurso sa TESDA para magkaoon ng iba pang opporutunidad ang mga mamamayan na mapaunlad ang kanilang buhay. (PIO Batangas City)