Ilang barangay nakinabang sa medical at dental mission ng Shell Refinery

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg


BATANGAS CITY-Halos 600 residente ng mga barangay ng Tabangao, Ambulong, Libjo, San Isidro at Malitam ang nakinabang sa libreng medical at dental mission na isinagawa ng Shell Tabangao Refinery, November 16, sa covered court nito.

Naging partners ng Shell sa community service na ito ang mga duktor ng Batangas Medical Society, Lipa Medical City, Batangas Medical Center, Provincial Health Office, City Health Office at iba pang heath care providers kagaya ng nurses at medical technologists. Narito rin ang Red Cross Batangas Chapter na nagkaloob ng libreng complete blood count, Dermacare na nagbigay ng facial services at ang ISLA Gas Terminal Inc. na nagbigay naman ng pagkain sa mga pasyente, katuwang din ang Pilipinas Shell Foundation Inc, Malampaya Foundation Inc, Shell Tabangao Ladies Circle at Philippines Air Force – Air Education & Training Command, 730th Combat Group.

Isa sis Lola Juliana De Chavez, 90 taon gulang ng Libjo ang nag pakonsulta ng kanyang paa dahilan sa impeksyon na nagmula lamang sa kalyo. Bukod sa check up nabigyan din siya ng libreng gamot at vitamins at referral sa Batangas Medical Center upang sumailalim sa ibayong eksaminasyon.

Sinabi ni General Manager Jan-Peter Groot Wassink, “I am so happy that we can provide the medical and dental mission every year and i hope a lot of people can benefit from it and come out today in a better health and stay in a good health.” (Ako ay naliligayahan at nakakapagbigay kami ng medical at dental mission taon taon at ako ay umaasa na maraming tao ang makikinabang dito at magiging nasa mas mabuting kalusugan ngayon at mananatiling nasa malusog na kalusugan.) Isa ang kalusugan sa mga proyekto tinututukan ng kanilang foundation alinsunod din sa hangarin na maisulong ang pangkalahatan na bigyang pansin ang pangangalaga sa kalusugan ng mga residente ng TALIM.

Ayon kay External Relations Manager Darlito Guamos, “sinigurado ng Shell na sapat ang mga gamot na ibinibigay, lahat ng reseta ng gamot sa mga pasyente ay libre at sapat sa kanilang pangangailangan.”

Samantala naging tema ng naturang aktibidad ang “Kalusugan, Kabalikat sa Kaunlaran.” (PIO Batangas City )