- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Libreng spay at neuter ng aso at pusa, isinagawa ng OCVAS
- Details
- Wednesday, 20 November 2019 - 3:14:00 AM
Nagsagawa ang Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ng libreng spay o pag-aalis ng matris ng isang babaeng hayop at neuter o pagkakapon ng may 50 aso, November 20, bilang paraan ng pagkontrol ng populasyon ng mga ito lalo na ng mga asong gala. Ito ay sa pakikipagtulungan ng OCVAS sa Provincial Veterinary Office.
Ayon sa hepe ng Livestock Division na si Dr. Flor Abe, ang pagkapon at pagtanggal ng matris ng aso ay may maganda ring epekto sa kalusugan ng mga ito. Nababawasan aniya ang pagiging agresibo at hindi stressed ang aso na maghanap ng mate na bababahan.
Nagpapasalamat ang dog owner na si Genevieve De Villa sa libreng proyektong ito ng OCVAS dahilan sa hindi na gagastos pa ng malaki kung ito ay dadalhin sa mga private veterinarians. “For health reasons kaya ko pinatanggalan ng matris ang aking mga alagang pusa at ma minimize ang mga kuting na pinanganganak nito.” Isang pet lover si Genevieve dahil marami itong benepisyo kagaya ng nakakaalis ng stress kaya mahilig siyang mag rescue at mag-alaga ng mga pusa at asong gala at pinapa adopt din niya sa iba.
Ipinapayo naman ni Dr Abe ang responsible pet ownership. Bigyan aniya ng tamang pangangalaga ang mga aso at pusa sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na tirahan, tamang pagkain, pagpapabakuna laban sa rabies at pagtatali sa mga ito upang hindi sila gumala. “Hindi lamang mga bantay ang mga aso, dapat din silang ituring na kapamilya kayat bigyan ng tamang pagkain, tirahan at pangangalaga.”
Samantala, kaalinsabay ng nabanggit na gawain, isang seminar sa pagiging Responsible Pet Owner ang isinagawa ng City Health Office (CHO) sa Training Center ng OCVAS.
Ayon kay Dr Ian Nino Calingasan, medical officer IV at Rabies Prevention and Control coordinator ng CHO, tinuruan nila ang mga participants sa pagbibigay ng basic first aid treatment sa mga nakagat ng hayop na may rabies tulad ng aso, pusa at unggoy.
Ang CHO ay may Animal Bite Center na nagbibigay ng libreng bakuna sa mga nakagat ng aso.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.