- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Pagkuha ng building permit pinabilis
- Details
- Wednesday, 20 November 2019 - 1:09:00 AM
Pinasimple pa ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang issuance ng building permit sa pamamagitan ng paglulunsad nito ng One-Stop-Shop- for Construction Permits (OSCP) kapait ng Building Permit One-Stop-Shop ( BPOSS) . Ito ay alinsunod sa Ease of Doing Business Act sa layuning mapabilis ang government transaction at magkaroon ng isang business-friendly environment upang maengganyom ang mga investors na magnegosyo sa bansa.
Ayon kay City Engineer Adela Hernandez, sa dating BPOSS ay mayroong limang steps sa pagkuha ng building permit at ito ay makukuha sa loob ng pitong araw. Dito sa OSCP, mayroon lamang tatlong steps at ito ay makukuha sa loob ng limang araw kahit sinasabi ng batas na dapat ay apat na steps. Ang tatlong steps na ito ay ang sumusunod: 1) pagkuha at pag fill up ng unified application form at checklist, receiving ng kumpletong requirements (hindi tatanggapin kung hindi kumpleto ang requirements) at bibigyan ang aplikante ng acknowledgement follow-up slip kung saan nakalagay ang pangalan, application number at date na matatanggap ang building permit sa loob ng limang araw; 2) pay 3) claim. Ang mga requirements ay downloadable.
“Tatlong tao lamang ang makakaharap ng isang aplilkante- ang nasa receiving, pay at claim- ang lahat ng mag-aassess ay nasa backroom. Kung dati ay limang opisina lamang ang involved sa BPOSS, ngayong ay pitong opisina sa OSSCP-City Engineer, City Planning and Development, City ENRO, Bureau of Fire Protection, City Veterinary and Agricultural Services, City Assessor at City Treasurer. Magkakaroon ng memorandum of agreement ang city government at ang BFP na ang CTO na lamang ang cashier sa halip na kasama ang nasabing ahensya,” sabi ni Engr. Hernandez.
Pinasalamatan niya ang United States Agency for International Development (USAID)-Strengthening Urban Resilience for Growth with Equity (SURGE) sa naging mahalagang tulong nito sa pagtatayo ng Business One-Stop Shop (BOSS) at BPOSS sa panahon nila dating Mayor Vilma at Eduardo Dimacuha.
Sinabi ni Mr. Sergio Andal Jr., Chief of Party, USAID-SURGE, “mahalaga ang institusyong ito sapagkat malaki ang naitutulong nito sa pag eencourage sa negosyo na lumago at pumasok sa Batangas City. Ngayon po ay namimili talaga ang mga negosyante ng mga local government units na supportive sa pagkakaroon ng business-friendly environment.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.