- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Calabarzon police chief nakipagdayalogo sa Batangas City police na maglingkod ng maayos
- Details
- Friday, 22 November 2019 - 2:57:00 PM
Binisita ni PNP CALABARZON Police Chief Brigadier General Vicente Danao Jr. ang Batangas City Police Station, November 22, bilang bahagi ng kanyang regular na dayalugo o komunikasyon sa kanyang mga tauhan upang malaman ang kanilang sitwasyon at maseguro ang maayos na operasyon ng ahensya.
Muli niyang pinaalalahanan at hinikayat ang mga kapulisan dito na ipagpatuloy ang tapat na paglilingkod para sa kaayusan at katahimikan ng lungsod.
Ayon kay Brig. Gen Danao, maganda naman ang naririnig nya tungkol sa Batangas City Police, ngunit nais niyang pag-igihin pa ng mga ito ang kanilang serbisyo lalo na sa pagsugpo sa iligal na droga. Gusto aniya ay tototoong trabaho o accomplishments na walang naaapi. “Ipatupad ang dapat ipatupad at pantay-pantay sa lahat, mayaman, man o mahirap. Dapat tayo ang ehemplo sa peace and order,” pagdidiin ni Brig. Gen Danao.
Hinikayat rin ng Regional Director na ipaalam sa kanyang tanggapan ang mga individual major accomplishments ng mga pulis para mabigyan ng commendation o award sapagkat mahalaga ito para sa kanilang promotion. Bukas aniya ang kanyang tanggapan 24/7 kung may kailangan dito.
Nag courtesy call din siya kina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño kasama sina Batangas Police Provincial Director Edwin Quilates at Batangas City Police Chief Julius Anoñuevo. Nagpasalamat sya sa tuloy tuloy na suporta ng dalawang opisyal sa Batangas City PNP kahit sinuman ang maitalagang hepe dito. Tiniyak rin niya ang patuloy na pakikipagtulungan ng mga kapulisan para sa katahimikan at kaayusan ng lungsod.
Siniguro naman nina Mayor at Congressman ang patuloy na suporta sa mga programa ng City Police Station kabilang na ang pagbibigay ng mga kagamitan at makabagong teknolohiya kagaya ng CCTV cameras para higit na mabantayan ang katahimikan ng lungsod. “Mahalaga ang peace and order, ito ang unang konsiderasyon ng mga business investors, dito sa Batangas City ay patuloy na dumarami ang mga local at foreign investors,” dagdag pa ni Mayor Dimacuha. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.