- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
40 magsasaka nakinabang sa Cattle Fattening Project
- Details
- Tuesday, 26 November 2019 - 4:01:00 PM
May 40 magsasaka ang tumanggap ng cattle fattening projects mula sa pamahalaang .lungsod ng Batangas sa pangangasiwa ng City Planning and Development Office.
Ang mga ito ang ikalawang batch ng mga project recipients kasunod ang unang batch ng may 100 beneficiaries noong Marso ng taong ito.
Sila ay mula sa barangay Cumba, Maruclap, San Miguel at Paharang Silangan. .
Kaugnay nito, dumalo ang mga beneficiaries sa orientation sa Audio Visual Room ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB).
Dumalo din dito ang mga pangulo ng nasabing barangay, na magsisilbing kanilang co-maker sa pagbabayad ng halaga ng proyekto.
Ang bawat isang recipient ay tatanggap ng P25,000 para ibili ng baka. Sasamahan sila ng mga tauhan ng CPDO sa pagbili ng baka sa auction market sa bayan ng Padre Garcia. Hindi kabahagi ang pamahalaang lungsod sa magiging kita o tubo dito at ang halagang P 25,000 ay babayaran nila sa loob ng tatlong taon nang walang interest.
Kasama din sa naturang halaga ang gastos pagpoproseso ng mga dokumento at ang pamasahe o trucking upang maiuwi ang aalagaang baka.
Ayon kay City Planning and Development Coordinator Januario Godoy, mula 1988, may P 35 milyon ang halagang ginugol ng pamahalaang lungsod para sa proyektong ito at 2,470 beneficiaries na ang nakinabang dito.
Binigyang diin ni Mayor Dimacuha sa kanyang mensahe sa mga beneficiaries na layunin ng proyektong pag-aalaga ng baka na makatulong upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Binanggit din niya ang ilulunsad na proyekto ng pamahalaang lungsod na Eto Batangueno Disiplinado, Magkatuwang Tayo. At kaugnay aniya nito ay hiniling niya sa mga beneficiaries na tumupad sa kasunduan o obligasyon sa pagbabayad upang mas marami ang makinabang sa nabanggit na proyekto.
Sa mga interesado sa cattle fattening, kailangan lamang makipag-ugnayan sa pangulo ng mga barangay.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.