- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Damage ng bagyong Tisoy sa Batangas City iniulat
- Details
- Wednesday, 04 December 2019 - 4:54:40 PM
Tinatayang mahigit sa P112 milyon ang halaga ng naging sira sa mga imprastraktura sa Batangas City ng bagyong TIsoy ayon sa partial/initial report ni City Engineer Adela Hernandez, sa assessment and evaluation meeting ng Incident Management Team (IMT) kaninang umaga, December 4. Ang mga nasira ay ang seawalls at dikes sa barangay Ilijan, Mabacong, Dela Paz Proper. May mga nasira ring imprastraktura sa siyam pang baybaying barangay tulad ng Talahib Pandayan, Tabangao Aplaya, San Agapito Isla Verde, Malitam, Cuta, Wawa, Sta. Clara at Simlong.
Iniulat naman ni City Environment and Natural Resources Officer (CENRO), Oliver Gonzales na P217, 000 ang estimated damages sa environment kabilang dito ang mga naputol na high- value trees.
Ayon sa initial report nig hepe ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services na si Dr. Macario Hornilla, nagkakahalaga ng P9 milyon ang naging agricultural damages kung saan kabilang dito ang 4,220 naputol na puno ng mangga at 5,000 puno ng saging. Magiging prayoridad aniya ng tulong ng kanilang opisina ang mga apektadong magsasaka kagaya ng pamimigay ng libreng butong pananim at iba. Nagbigay din ng instruction sina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marño na pag-aralan ng OCVAS ang iba pang tulong na pwedeng ipagkaloob sa mga apektadong magsasaka kagaya ng financial assistance.
May 200 kabahayan naman ang napinsala sa mga barangay sa Isla Verde at 100 bahay sa upland barangays. Samantala, nakabalik na sa kanilang mga bahay ang 766 pamilya mula sa mga evacuation centers. Naghanda naman ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng 5,000 food packs para sa mga umuwing evacuees at ilang pang apektadong pamilya.
Patuloy pa rin ang clearing operation ng pamahalaang lungsod habang ang Meralco naman ay sinisikap na maibalik agad ang power supply sa mga apektadong lugar. Hiniling naman nina Mayor at Congressman na isagawa ng mabilis ang evaluation at assessment ng kabuuang pinsala ng bagyo at ihanda kaagad ang mga kailangang dokumento para mapag-aralan ng konseho kung dapat magdeklara ng state of calamity sa lungsod.
Sinabi rin nila na gawing mabilis ang proseso sa pagkakaloob ng mga tulong para matiyak na magiging maayos ang Pasko ng mga apektadong pamilya. Pagkatapos ng nasabing meeting ay idineklara ni Incident Commander (IC), Batangas City PNP Chief, PLTCOL Julius Añonuevo ang demobilization ng IMT. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.