- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mass wedding isinagawa ng isang barangay
- Details
- Monday, 09 December 2019 - 3:39:55 PM
Isang barangay sa Batangas City ang nagsagawa ng maramihang pagkakasal sa layunin nitong maging legal ang pagsasama ng mga mag-asawa at mapalakas ang pundasyon ng pamilya. Noong December 5, siyam na pares ng mga nagsasama ang ikinasal ni Mayor Beverley Rose Dimacuha sa “Kasalang Barangay,” ng San Miguel. Kasama niya rito si Pastor Nonoy Fababier ng Beacon of Christ Bible Community, Inc. na siya namang nagbigay ng sermon.
Ayon kay Punongbarangay Adriano Guico, ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ang kanilang barangay ng maramihang pagkakasal. Nais aniya niyang maging legal ang pagsasama ng mga ito upang higit na maging matatag ang kanilang pamilya at makinabang na rin ang buong pamilya sa mga programa ng pamahalaang lungsod kagaya ng EBD Healthcard. “Pag hindi kasal, ay ina lamang ang pwedeng maging cardholder at dependent nya ang mga anak at ganun din sa iba pa programa,” dagdag pa ni Pangulong Guico.
Pinaalalahanan ni Mayor ang mga ikinasal na maging tapat sa isa’t isa, bigyang prayoridad ang pamilya at palakihing maayos ang mga anak.
Sinabi naman ni Pastor Nonoy na dapat si Hesus ang sentro ng pagsasama ng mag-asawa at dalhin sa Kanya ang mga problema, ibigay kay Hesus kung ano ang meron ang mag-asawa at pakinggan ang kanyang mga salita upang maging matibay ang pagsasama.
Nakatulong ng San Miguel sa proyektong ito ang City Civil Registrar’s Office na siyang nag ayos ng mga papeles ng libre, ang Pop Com Divison ng City Health Office na nagbigay ng family planning seminar sa barangay at iba pang konsernadong tanggapan ng pamahalaang lungsod. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.