- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Papaskong mass wedding itinaguyod ng isang barangay
- Details
- Thursday, 19 December 2019 - 4:36:00 PM
Pitong pares ng mga magsing irog ang biniyayaan ng libreng kasal sa simbahan sa tulong ng isang barangay captain upang maging legal ang kanilang pagsasama.
Para kay Barangay 24 Chairman Emma Tumambing, isang papaskong regalo niya na maikasal ang mga nagsasamang ito sa Basilica Immaculada Concepcion, December 19.
Katulong niya sa pagtataguyod ng mass wedding ang kanyang asawa na si Dr. Rolando Tumambing at ang barangay council. Isinagawa ni Rev. Fr. Angel Pastor ang pagdiriwang ng sakramento ng kasal.
Ayon kay Tumambing, bukod sa hangaring maging espesyal ang Pasko ng mga magkakaparehang ito, ay nais nilang mapagtibay ang kanilang pagsasama at makapagtaguyod ng Kristyanong mag-anak. Nais rin niyang maramdaman ng kanyang kabarangay ang kaligayahan at biyaya ng pagsasamang may basbas ng Panginoon.
Sinabi niya na malaki rin ang suporta ni Mayor Beverley Dimacuha sa proyektong ito. Libre na aniya ang proseso ng mga papel para sa marriage license, mismong sa kanilang barangay pa isinagawa ang family planning seminar ng PopCom Division ng City Health Office (CHO) at ang pre-marriage counselling ng City Social Welfare and Development Office(CSWDO).
Sa pakikipagtulungan ng Basilica ay nakumpilan ang may 11 indibidwal na siyang isa sa mga requirements ng simbahan sa pagpapakasal.
Sinagot naman ng barangay ang mga dekorasyon ng simbahan at ilan pang gastusin sa proyekto. Naghanda rin ang barangay ng salu-salo para sa mga ikinasal, habang ang ilan sa mga ito ay nagkaroon ng sariling paghahanda. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.