Boy scouts umaalalay sa mga simbahan ngayong kapaskuhan

  1.jpg 2.jpg

Upang makapagbigay serbisyo sa komunidad ngayong kapaskuhan, may mga boy scouts na itinalaga sa mga simbahang Katoliko simula ng siyam na araw na Simbang Gabi upang magbigay ng first-aid at umalalay sa mga nangangailagan ng tulong.

Makikita silang naka standby sa malalaking parokya kagaya ng Basilica Immaculada Concepcion , Holy Trinity Parish at St. Mary Euphrasia Parish. Sa dalawang magkahiwalay na gabi ay mabilis na naisugod ng mga boy scouts sa hospital ang mga nahimatay habang sumisimba sa Basilica.

Nakaasiste din sa trapiko ang mga boy scouts kung saan inaalalayan nila sa pagtawid ang mga tao lalo na ang mga matatanda.

Ipinagmamalaki ni Batangas City Scout Executive Guilbert Alea ang mga boy scouts ng Batangas City Council dahil sa serbisyong ipinagkakaloob nito sa komunidad ngayong panahong ito. “Nakakatuwa ang mga kabataang ito na sa halip na may gimik o nag-mo-mall ngayong Christmas vacation ay mas piniling maglingkod sa community at simbahan,” sabi ni Alea. (i PIO-Batangas City)