- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mga paaralan nagbigay pugay sa Sto. Nino sa pamamagitan ng kanilang pagtatanghal
- Details
- Tuesday, 07 January 2020 - 6:08:00 PM
Ipinamalas ng mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan ang kanilang pagpupuri at pagpapasalamat sa Mahal na Patrong Sto Nino sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw at iba pang pagtatanghal sa Alay sa Sto Niño Cultural Presentations, January 7, sa Batangas City Convention Center.
Sinimulan ang naturang okasyon sa pamamagitan ng pag-awit ng dalit bilang pagsalubong sa pagdating ng Mahal na Patron sa motorcade nito mula sa Basilica of the Immaculate Conception kung saan ito ay sinundo nina Mayor Beverley Rose Dimacuha, Congressman Marvey Mariño at mga kinatawan ng simbahan sa pangunguna ng parish priest nito na si Rev Fr. Angel Pastor.
Ang dalit ay isang awit ng papuri sa ating patron upang parangalan siya at hingin ang patuloy niyang patnubay.
Unang nagtanghal ang mga mag-aaral ng Colegio ng Lungsod ng Batangas ng Barrio Fiesta na nagpapakita ng tuwa at galak ng lungsod tuwing sasapit ang pista ng Mahal na Patron.
Nagpugay sa Sto Niño ang mga batang artista ng Batangas City High School for the Arts sa pamamagitan ng malasining na presentasyon.
Isang katutubong sayaw naman ang handog ng Casa Del Bambino Emmanuel Montessori.
Handog ng University of Batangas ang sayaw ng pananampalataya sa Panginoon ng mga Batangueno- ang Subli.
Sinundan ito ng isang munting dula mula sa LPU Stagers ng Lyceum of the Philippines University – Batangas.
Isang sayaw na nagpapakita ng mga suliraning pangkalikasan na hinaharap ng bayan sa kasalukuyan at kung papaano ito tinutugunan ng mga mamamayan ang itinanghal ng Divine Child Academy. Ito ay sinundan ng pag-awit ng Desiderata at ang sayaw na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan
Sa pamamagitan ng awit at sayaw, ipinakita ng mga mag-aaral ng Golden Gate Colleges ang kanilang pagpupugay sa kadakilaan ng Diyos Ama sa pagkakaloob ng kanyang anak sa sanlibutan. Nagpakita rin sila ng sayaw para sa kalikasan.
Isang solong awitin ng pasasalamat sa Poon ang ipinamalas ng mag-aaral ng Scuola Maria.
Ang pag-awit naman ng nakakaantig na “Ako ay Pilipino” ang inihandog ng Cristo Rey Institute for Career Development (CRICD).
Bilang pangwakas, mga sayaw na lalong pinagyaman ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa na nakalipas na 400 taon ang ipinamalas ng Likhang Sining Dance Company ng Marian Learning Center and Science High School.
Ang tema ng pagtatanghal ay “Sambayanang Maka-Diyos, Maka-Tao, Maka-Kalikasan, Maka-bansa.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.