- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Nutrition workers pinakikilos upang maiwasan ang malnutrition sa mga evacuation centers
- Details
- Thursday, 23 January 2020 - 1:12:00 PM
BATANGAS CITY-Pinakikilos ngayon ng National Nutrition Council (NNC) Region 4-A ang mga City/Municipal Nutrition Action Officers at Provincial Nutrition Clusters upang maiwasan ang problema sa malnutrition sa mga evacuation centers kung saan tumitigil ang mga biktima ng pagputok ng Bulkang Taal.
Sa emergency meeting ng nasabing council , January 22, sa Provincial Health Office, sinabi na coordinator nito na si Carina Santiago na layunin ng pagpupulong na ma activate ang Provincial Nutrition Cluster para matugunan ang higit na pangangailangan sa masustansiyang pagkain ng mga bata, sanggol, mga buntis at mga inang nagpapasuso.
Unang inalam ng nutrition council kung ano ang kalagayan ng mga evacuees sa lahat ng evacuations centers sa buong probinsya.
Ayon kay Santiago, mahalaga ang mga reports at data na kanilang makakalap sa bawat bayan dahil dito nila malalaman ang kalagayan ng kalusugan ng mga bata, mga buntis at matatanda. “Sa dami ng evacuation centers at mga evacuees na naroroon, importante sa amin ang mga datos na ibinibigay sa amin para malaman namin ang dapat gawin upang matugunan ang mga pangangailangan at hindi maging malnourished ang mga bata at sanggol at maiwasan na sila ay mag kasakit. Nais naming masiguro na walang mamamatay dahil sa malnutrition,” dagdag pa ni Santiago.
Para madaling matugunan ang nutritional needs ng mga bata, kailangang ma locate muna at makuha ang datos kung ilan ang mga batang malnourished at yuong mga tama ang timbang.
Ang NNC ay nagbigay sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at health centers ng Middle Upper Arm circumference o MUA Tape upang gamitin sa pagkuha ng timbang ng mga sanggol na may edad 06-59 months at mga babaeng buntis. Para sa mga sanggol na bagong panganak o yung 0-5 months old, dapat timbangin sila sa pamamagitan ng baby weighing scale.
Bingyang diin naman ni Jellie Ann Palencia, NNC nutritionist dietician, na mahigpit na ipinagbabawal tumanggap ang mga evacuation centers ng donasyon ng infant formula sapagkat ang isinusulong ng Dept. of Health ay ang breastfeeding.
Nagbigay din ng mga vitamins at babasahing nutri komiks series 1, 2, 3 at 6 upang mas lalong malaman ang kahalagahan at tungkulin ng isang breast- feeding mother.
Bawat city/municipality BNS cluster coordinator sa buong probinsya ng Batangas ay kainakailangan mag submit ng reports at datos o listahan ng mga evacuation centers na mayroon mga sanggol, buntis, nagpapasusong ina at matanda sa NCC upang mabigyan ng agarang tulong para maiwasan ang malnutrisyon at pagkakasakit.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.