- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
BC Police palalakasin ang anti-illegal drug education campaign sa mga paaralan
- Details
- Monday, 03 February 2020 - 10:45:00 AM
Muling isasagawa ng Batangas City Police Station ang Drug Abuse Resistance Education o D.A.R. E sa lungsod upang palakasin ang information campaign laban sa iligal na droga. Target ng D.A.R.E program na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan para makaiwas sa ipinagbabawal na gamot at sa halip ay maging mabuting mamamayan ng komunidad
Kaugnay nito, nagkaroon ng opening ceremony at signing ng Memorandum Of Agreement (MOA), February 3 sa Sta. Clara Elementary School kung saan idadaos ang 10-module sessions para sa mga mag-aaral sa grade 6. Ito ay isasagawa tuwing Martes at Huwebes simula February 4.
Lumagda sa nasabing MOA sina Batangas City PNP Chief, PLTCol Julius Añonuevo, Department of interior and Local Government (DILG) City Director Esther Dator, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Agent 1 Candelaria Campañera, Association of Barangay Chairmen (ABC) President Angelito Dimacuha, brgy. Gulod Labac Chairwoman Digna Fajarito, brgy. Sta. Clara Chairman Derick Arago, Principal ng Sta. Clara Elementary School, Dr. Aurea Ocon, at Mayor Beverley Dimacuha na kinatawan ng kanyang Executive Assistant (EA), Serge Atienza.
Ayon kay PLTCol Añonuevo naniniwala pa rin siya na ang “kabataan ang pag-asa ng bayan” kung kaya’t dapat mai-iwas ang mga ito sa mga maling gawain. “Dito ay ipapakita namin sa inyo kung ano ang itsura ng ipinagbabawal na droga at tuturuan naming kayo na umiwas dito para maisiguro ang inyong magandang kinabukasan,” pagdidiin ni PTCol Añonuevo.
Sinabi naman ni Atienza na maraming programa ang pamahalaang lungsod para mahubog ang mga kabataan sa mabuting asal. “Naniniwala si Mayor Dimacuha at pamahalaang lungsod sa kakayanan ng bawat isang bata dito at nakikita niya ang pagpupursige ninyo na maging disiplinadong mamamayan ng lungsod,” sabi ni Atienza (PIO-Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.