- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Information campaign sa mga barangay tungkol sa 2019- nCoV sinisimulan na
- Details
- Tuesday, 11 February 2020 - 9:30:00 AM
BATANGAS CITY- Nagsimula na ang pamahalaang lungsod ng Batangas sa pagsasagawa ng information/education campaign tungkol sa 2019 Novel Corona virus- Accute Respiratory Disease sa mga barangay bilang isang hakbang upang maiwasan ang sakit na ito.
Ito ay alinsunod sa direktiba ng Department of Interior and Local government (DILG) sa mga barangay na bumuo ng – Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) at mangunguna sa pagbibigay ng impormasyon sa mga barangay tungkol sa nCoV.
Ang nakahahawa at nakamamatay na sakit na ito ay nagmula sa Wuhan City sa China at nakukuha sa pamamagitan ng droplets mula sa ubo at bahin ng isang infected na tao o kaya sa paghawak sa mga bagay o surfaces na nahawakan ng carrier ng virus.
Unang target ng DILG para sa imformation campaign ay ang mga coastal barangay, kasunod ang mga upland barangay.
Ang unang pagpupulong ay isinagawa sa covered court ng barangay Ambulong, Feb. 10. Dumalo dito ang sangguniang barangay, barangay health emergency response teams, barangay tanod chief, barangay health workers, barangay nutrition scholars, midwives, nurses at miyembro ng committee on health.
Ayon kay Aileen Fortuna Cantos, resource speaker ng CHO, “kailangan nating magpakalat ng mga tamang impromasyon tungkol sa nakababahalang sakit na ito at kung ano ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaang lungsod. Dapat din ipamahagi ang impormasyon sa mga paaralan at mga pagtitipon sa mga barangay, gayundin sa pamamagitan ng mga public forum at mga anunsiyo gamit ang media.”
Binigyan diin niya na walang pang kaso ng N CoV-ARD sa lungsod kaya hindi dapat mag-panic. Huwag aniyang maniwala sa mga kumakalat na ‘fake news’ sa mga social media o mga hindi kumpirmadong balita.
Ayon pa rin kay Cantos, huwag ipasa ang mga impormasyhong hindi galing sa Department of Health (DOH) o ng local counterparts nito. Tamang ahensiya ng pamahalaan lamang ang maaaring magbigay ng mga balita tungkol sa nasabing sakit.
Tinalakay ni Cantos ang mga pamamaraan kung papaano maiiwasan ang sakit na ito. (PIO Batangas City
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.