- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
National Dental Health Month ipinagdiriwang ngayong Pebrero
- Details
- Tuesday, 11 February 2020 - 11:50:00 AM
Nagpupunta ngayon ang Dental Division ng City Health Office sa mga public elementary schools dala ang kanilang dental bus araw araw upang magbigay ng kanilang serbisyo kaugnay ng pagdiriwang ng National Dental Health Month ngayong Pebrero.
Humigit kumulang sa 500 elementary students ang binibigyan ng libreng pit-and- fissure sealant habang ang mga day care children naman ay binibigyan ng libreng fluoride. Binibigyan din ang mga bata ng lecture hinggil sa oral health care gayundin ng libreng toothbrush.
Nakatakda silang bumisita sa anim na barangay ng Isla Verde sa ika-28 at 29 ng Pebrero upang magkaloob ng libreng serbisyo hindi lamang sa mga bata gayundin sa mga buntis at matatanda.
Payo ni Dra Love Cabral, hepe ng Dental Division ng City Health Office, ibayong pag-iingat at pangangalaga ang dapat na gawin upang maging malusog ang mga ngipin.
Ang proper oral hygiene tulad ng palagiang pagsisipilyo, tatlong beses man lang sa isang araw, kasama na ang paggamit ng floss ay malaki ang maitutulong sa pananatiling malinis ng ngipin upang makaiwas sa mga sakit aniya.
Ilan sa mga sakit na maaaring idulot ng mahinang oral health ay ang sakit sa puso, dementia o pagkawala ng memory, respiratory infections, diabetes, cancer at iba pa.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Tamang Edukasyon, Impormasyon at Serbisyo para sa Ngiting ToDOH tungo sa Kalusugang Pangkalahatan”. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.