- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Bagong city market administrator aayusin ang operasyon ng palengke
- Details
- Friday, 14 February 2020 - 3:37:22 PM
Isang dating hepe ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services sa katauhan ni Dra. Loyola Bagui ang itinalagang officer in charge ng Office of the City Market Administrator ng Batangas City upang epektibong makapagsagawa ng malawakang pagbabago sa palengke para sa maayos na operasyon at paglilingkod sa mga mamimili.
Kasabay ng kanyang pag-upo ngayong Pebrero, ang soft opening ng Market 111 sa tinaguraing Bagong Palengke ngayong Biyernes, Feb. 14, kung saan binuksan ang 160 stalls ng bread and candies section, eggs, rice at iba pang sections.
Ang Market III ay may kabuuang 615 stalls. Isinasaayos na rin ang iba pang sections kagaya ng meat, fish, chicken, carinderia at iba pa para mabuksan na rin ang mga ito sa lalong medaling panahon.
Nagpasalamat si Dr. Bagui sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng pamilya Dimacuha, simula pa sa dating Mayor Eddie Dimacuha. Isa lamang aniya ang maiipangako niya at ito ay ang maayos na serbisyo at paglilingkod ng tapat.
Tiwala naman sina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño na mas mapapaganda at maisasaayos ni Dr. Bagui ang pamamahala ng pampublikong pamilihan.
Hiniling nila ang suporta at kooperasyon ng mga empleyado ng public market at mga magtitinda sa administrasyon ni Dr Bagui. Anila magpapatupad ang administrasyon ng mga bagong rules at guidelines para sa maayos na pamamahala na makabubuti sa kapakanan ng mga magtitinda at mamimili ng lungsod. “May mga house rules po si Dr. Bagui, para sa maayos na pagnenegosyo at disiplina, suportahan po natin para orderly at may disiplina po,” pakiusap ni Mayor Dimacuha.
Pinasalamatan rin ni Mayor Dimacuha ang mga naging administrator ng pamilihang bayan sa mga naitulong mga ito sa pagpapaunlad ng palengke , ganoon din si Mayor Eddie Dimacuha na siyang nagsulong sa konstruksyon ng Market III. (PIO Bats. City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.