- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City tinanggap ang share nito bilang host ng power plants
- Details
- Wednesday, 12 February 2020 - 4:02:00 PM
May P31.9 milyon ang kabuuang halagang ipinagkaloob ng First Gen Power Corporation sa pamahalaang lungsod ng Batangas bilang kabahagi ng lungsod sa kita ng limang power plants ng kompanya bilang host ng mga ito.
Ang ceremonial turnover ng ER 1-94 funds ay isinagawa sa tanggapan ng Punonglungsod kung saan iniabot ni Mr Ramon Araneta, VP ng First Gen Power Corporation ang mga tseke kay Mayor Beverley Rose Dimacuha kasama sina OIC City Treasurer Aster Marasigan at City Planning and Development Coordinator Sonny Godoy.
Ito ay alinsunod sa provision ng Energy Regulation (ER) 1-94 ng Department of Energy (DOE) kung saan ang share ng isang host local government unit (LGU) ay one centavo per kilowatt hour ng electricity sales ng isang power plant.
Sa ilalim ng First Gen Power Corporation, nag ooperate ang limang power plants nito-ang 1000MW Sta Rita Power Plant, 500 MW San Lorenzo Power Plant, 450 MW San Gabriel Power Plant sa barangay Sta Rita Aplaya/Karsada at ang 97MW Avion Power Plant sa barangay Bolbok.
Isinasaad ng ER 1-94 na sa isang sentimo ng electricity sales ng power plant sa mga power utilities, 50% ay pupunta sa Electrification Fund (EF); 25 % ay para sa Development and Livelihood Fund (DLF) at ang natitirang 25% ay para sa Reforestation, Watershed Management, Health and/or Environment Enhancement Fund (RWMHEEF).
Nagsumite na ang pamahalaang lungsod ng annual work program o listahan ng mga proyekto na paggagamitan ng pondong nabanggit. Ang pera ay ididiretso ng mga power plants sa Trust Fund Account ng lungsod na specifically para sa ER 1-94 DOE projects na alinsunod sa mga patakaran ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 at Department Circular No. DC 2018-08-0021 ng Department of Energy.
Mayroon ding katulad na share na nakukuha ang host barangays at ang pamahalaang panlalawigan.
Noong nakaraang lingo, ipinagkaloob ang halagang P 5.7 milyon sa barangay Sta Rita Karsada, P 13.3 milyon sa barangay Sta Rita Aplaya at P 349,876 naman sa barangay Bolbok. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.