- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Panawagan ni Mayor Dimacuha tuloy tuloy na labanan ang COVID
- Details
- Thursday, 02 July 2020 - 11:34:21 AM
Ipinararating ni Mayor Beverley Dimacuha sa mga barangay na ipagpatuloy ang laban sa covid-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health protocols at community quarantine guidelines ng pamahalaan.
Ito ang binigyang diin ng Batangas City Police at ang mga team leaders ng Eto Batangueno Disiplinado Magkatuwang Tayo (EBDMT) monitoring team na sina Executive Assistants Mavel Santos at Mando Lazarte sa pagpupulong nila sa mga punong barangay ng 19 na barangay ng Solid Baybay cluster, July 1, na idinaos sa barangay Ambulong
“Hinihiling rin po ni Mayor ang inyong patuloy na kooperasyon, bantayan at alagaan po natin ang ating ka-barangay tulong tulong po tayo sa laban kontra COVID 19,” sabi ni Santos.
Ipinaalam naman ni Lazarte ang ginagawa nilang monitoring sa mga business establishments sa Poblacion. Sa mga sususnod na araw aniya ay bibisitahin rin nila ang nasa ibang barangay.
Sinabi naman ni Batangas City PNP Chief, PLtCol Julius Añonuevo na patuloy na pinalalakas ng kapulisan ang kampanya laban sa kriminalidad sa lungsod ngayong panahon ng pandemya. Tumaas aniya ang kaso ng rape at child molestation ngayon kung kaya’t ipinakiusap niya na ipagbawal muna ng mga pangulo ang inuman sa kanilang barangay. “Halos lahat po ng child molestation na reported sa amin ay naka inom po ang akusado,” sabi ni Añonuevo. Hinikayat din niya ang mga punong barangay na ipaalam sa kanya o i-private message sa Palakat facebook page kung may mga illegal activities o mga pasaway sa kanilang barangay.
Masaya namang ibinalita ni Añonuevo na nominado si Mayor Dimacuha bilang 2019 Outstanding Mayor sa CALABARZON Region ng Philippine National Police (PNP). Nanalo sa region at nominado para sa national search sina Police Executive Master Sergeant Katherine Budoy bilang Outstanding Senior Officer for Police Community Relation at si PLtCol Añonuevo sa Outstanding Police Commissioned Officer for Police community Relation. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.