- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
APIR ng GSIS, suspendido
- Details
- Thursday, 13 August 2020 - 1:17:31 PM
Dahil sa nararanasang COVID 19 pandemic, sinuspindi ng Government Service Insurance System (GSIS) ang Annual Pensioners Information Revalidation (APIR) hanggang ika-31 ng Disyembre 2020.
Ayon kay GSIS Batangas Branch Manager Leon Ma Fajardo, hangad nila na mapangalagaan ang kapakanan at masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga pensioners kung kayat hindi na kailangan ng mga ito na pumunta sa kanilang tanggapan. Upang ma-update ang records, kailangan lamang i-email ang pangalan at contact number ng pensioner sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa telepono bilang (043)723-4345 at (043)723-4123.
Bisitahin lamang aniya ang website ng ahensya para sa instruction sa pag-uupdate ng kanilang status. Binigyang diin ni Fajardo na lahat ng pensioners na magdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong Agosto ay required na mag update ng active status upang hindi mapatigil ang kanilang pension.
Hinihikayat din ang mga pensioner na gumamit ng ibat-ibang video conferencing method tulad ng FB messenger, viber, zoom or skype para sa full implementation ng Online APIR sa susunod na taon.
Sa kasalukuyan ay may 60,000 pensioners sa Batangas at Romblon.
Samantala, mas pinalawig pa ang covid19 emergency loan sa mga aktibong myembro at pensioners ng GSIS upang matulungan silang makaraos sa kanilang mga financial difficulties.
Ang aplikasyon ay tatagal hanggang September 10. Ibinalita din ni Fajardo na maaari na muling mag-avail ng GSIS Financial Assistance Loan (GFAL) para sa mga myembrong nahihirapang bayaran ang mga utang nila sa mga private lending institutions.
Maaaring isubmit ang requirements sa kanilang tanggapan at pwede ding on-line ang application nito.
Contactless din aniya ang filing ng claims para sa retirement, funeral benefits, separation benefits, maturity at iba pang benepisyong kanilang ipinagkakaloob sa kanilang mga myembro. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.