- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Kahandaan ng mga Higher education institution sa Batangas, inalam ng CHED
- Details
- Thursday, 13 August 2020 - 3:04:07 PM
Nagpatawag ng pagpupulong ang Commission on Higher Education (CHED) Regional Office IV sa mga administrator ng ibat-ibang kolehiyo at unibersidad kasama ang mga kinatawan ng local government units (LGU) sa lalawigan ng Batangas, upang malaman ang kahandaan ng mga higher education institution (HEI) sa pagbubukas ng academic year 2020-2021 ngayong araw.
Tinalakay ni CHED Regional Office IV Director Dr. Amelia Biglete sa pamamagitan ng zoom meeting ang CHED Covid Advisory No. 7 o ang policies at guidelines sa prevention, control at mitigation ng pagkalat ng corona virus disease sa higher education.
Nakasaad dito na hindi papayagan ang face to face or in-person classes sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ, MECQ at GCQ. Ayon sa tala, may 46 HEI sa Batangas. Ilan sa mga ito ay magbubukas ng klase sa pamamagitan ng flexible learning (digital and non-digital technology) bago matapos ang buwan ng Agosto.
Ang mga pasilidad ng HEI ay kinakailangang sumunod sa minimum health standard na ipinatutupad ng IATF.
Kailangan din nilang makipag-ugnayan sa local health officials at sa LGU hinggil sa enrolment procedures.
Binigyang diin ni Biglete na ipatutupad ni CHED Chairman Prospero De Vera III ang CHED HiEd Bayanihan project na naglalayong magkaroon ng “bayanihan” spirit partikular sa capacity building at resource sharing pagitan ng mga HEI’s sa bansa.
Sumasailalim din aniya ang mga faculty members sa pagsasanay sa pagtuturo gamit ang ibat-ibang learning management system.
Nagbuo si Director Biglete ng komite sa pamumuno ni BSU President Dr Tirso Ronquillo na syang magbibigay ng technical assistance sa mga nangangailangang HEI’s sa Batangas.
Nagbahagi si Provincial Health Officer Dr Rose Ozaeta at ang ilang kinatawan ng LGU sa sa mga hakbang na kanilang isinasagawa sa kani-kanilang lugar ngayong panahon ng covid19 pandemic.
Magkakaloob ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng libreng wi-fi sites at Tech 4ED project sa ibat-ibang bayan sa lalawigan bilang tugon sa problema sa mahinang internet connectivity. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.