- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Human Resource Management and Development Office ng pamahalaang lungsod, pinarangalan ng Civil Service Commission
- Details
- Monday, 07 September 2020 - 12:08:31 PM
Ginawaran ng Bronze PRIME-HRM (Enhanced Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management) ng Civil Service Commission (CSC) ang Human Resource Management and Development Office (HRMDO) ng pamahalaang lungsod ng Batangas sa pamamagitan ng virtual recognition rites, September 4.
Ang nasabing parangal ay ipinagkaloob dahil sa mahusay na pagsunod at pagpapatupad ng Batangas City government sa apat na HRM core systems na kinabibilangan ng Recruitment Selection and Placement, Performance Management, Learning and Development at Rewards and Recognitions.
Magugunita na nakapasa sa regional level ng accreditation ang Batangas City-HRMDO kung saan ito ay ginawaran ng certificate of recognition ng CSC Region IV-A noong December 2019. Ito ang nagbigay ng pagkakataon sa Batangas City na mag-qualify sa national level awarding ng CSC. Ilan sa binigyang puntos ng CSC ay ang mga ipinatutupad na guidelines ng HRMDO para sa recruitment at promotion ng mga empleyado tulad ng background investigation, examination, panel interview ng Personnel Selection Board (PSB) at iba pa.
Mayroon din ang HRMDO na approved merit and promotion and selection plan, equal employment opportunities kagaya ng pag-eempleyo sa mga may kapansanan at regular orientation sa mga empleyado. Sa Performance Management, mayroon silang monitoring tool para sa performance ng mga empleyado, at individual development plan para sa long at short term goal ng mga ito. Dito ay nakikita ng nabanggit na tanggapan kung saang area mahina ang performance ng isang kawani kung saan nagbibigay sila ng interventions.
Ipinatutupad din ng HRMDO ang ibat ibang orientation workshops, internal at external trainings upang higit na maitaas ang antas ng kakayahan ng mga kawani sa hangaring makapagbigay ng ibayong serbisyo sa publiko.
Nagbibigay din ng recognitions and awards ang city government sa mga natatanging empleyado at mga retirees na nagbigay ng mahusay na serbisyo. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.