Batanguenong Bishop na nakatalaga sa Zamboanga, nag-alay ng zucchetto sa Inmaculada Concepcion.

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Nagsagawa ng seremonyal na pag aalay ng kanyang zucchetto sa karangalan ng Nuestra Señora dela Inmaculada Concepcion, La Batangueña si Lubhang Kagalanggalang Moises Cuevas DD, katuwang na Obispo ng Arkidiyosesis ng Zamboanga noong ika-12 ng Disyembre.

Ang nasabing pag-aalay ay kaalinsabay ng banal na misa sa Basilica ng Inmaculada Conception. Ayon kay Atty. Reginald Dimacuha ng samahang Cofradia dela Inmaculada Concepcion, ang naturang gawain ay bilang pagtatagubilin ng obispo ng kanyang pamumuno sa kanyang nasasakupan sa pangangalaga ng mahal na birhen.

Si Cuevas ang bagong talagang auxillary bishop ng Zamboanga at tubong Cuenca, Batangas. Nakiisa sa okasyon ang mga kaparian mula sa Zamboanga. Nauna rito, nag alay din ng kanilang zucchetto sina Most Rev. Gilbert A. Garcera, DD, Archbishop of Lipa at Most Rev. Gaudencio Cardinal B. Rosales, DD, Archbishop Emeritus of Manila. (PIO Batangas City)