Virtual raffle, nagdulot ng saya sa mga city government employees. Virtual raffle, nagdulot ng saya sa mga city government employees.

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Bagamat bawal ang Christmas Party at iba pang pagtitipon ngayong Kapaskuhan dahil ng nararanasang pandemya, hindi napigilan nito na magkaroon ng masayang Pasko ang mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Batangas, December 23.

Isang virtual raffle ang isinagawa sa Mayor’s Office kung saan namigay si Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino ng cash prizes at gift certificates.

Nagkaroon din ng games kung saan nagkaroon ng pagkakataon na makalahok ang mga kawani ng ibat-ibang departamento sa pamamagitan ng mabilis na pagsagot sa mga trivia questions.

May 162 empleyado ang nanalo ng rechargeable lamp. Ang mga major prizes naman ay kinabibilangan ng microwave oven (3rd prize), personal refrigerator (2nd prize) at grand prize na 42” television.

Naghandog ng mga awiting Pamasko ang Dangal ng Lungsod Batangan Chorale. Samantala, nag-ambag ng cash gift ang lahat ng permanent employees sa “Batangas City Government Share a Love Project” para sa mga job orders (JO) na frontliners ng lokal na pamahalaan.

Ang nalikom na halaga mula sa mga permanent employees ay dinagdagan ni Cong. Marvey Mariño ng P300,000 cash na lubos na ikinatuwa ng mga ito. Tampok sa nasabing okasyon ang pasasalamat ng mga frontliners. (PIO Batangas City)