- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
National Children’s Month, ipinagdiwang sa pamamagitan ng ibat-ibang paligsahan
- Details
- Wednesday, 16 December 2020 - 2:03:51 PM
Nagsagawa ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng virtual celebration ng 28th National Children’s Month na may temang “Sama-sama Itaguyod ang Karapatan ng Bawat Bata sa Panahon ng Pandemya”.
Layunin nito na magkaroon ng awareness ang mga kabataan sa kahalagahan ng tamang pangangalaga ng katawan at pagtatanim ng gulay sa tahanan lalo’t higit ngayong panahon ng pandemya.
Kaugnay nito, nagdaos sila ng paligsahan para sa Huwarang Gulayan sa Tahanan na pinagwagian ng Soro-soro Ibaba Child Development Center. Tinanghal na Huwarang Gulayan sa Child Development Center (CDC) ang San Jose Sico Child Development Center. Para naman sa paligsahan sa pagsasalaysay ng mga batang nasa Early Childhood Care Development (ECCD) ukol sa tamang pangangalaga ng katawan sa panahon ng pandemya at iba pang sakit, nagwagi sa ikatlong pwesto si Renzel Dave M. Arce ng Alangilan II CDC, 2nd place si Sofia Taylor S. Cave ng San Jose Sico CDC at first prize winner si Heaven Cielo Castillo ng Bucal CDC.
Sa naturang okasyon ay nagbigay ng update tungkol sa mga proyekto ng mga child development workers si Jasmin De Castro, president ng Batangas City Child Development Workers Association. “Malaki ang suportang ibinibigay ni Mayor Beverley Dimacuha sa mga programang ipinatutupad namin para sa kapakanan ng mga bata sa panahon na hindi face to face ang pag-aaral nila,” sabi ni De Castro. .
Binigyang diin naman ni CSWD Officer Mila Espanola na hindi hadlang ang pandemya upang ipagpatuloy ang kanilang mga programa para sa mga daycare children tulad ng supplemental feeding para sa mga batang malnourished upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga ito.
Sa ikalawang bahagi ng programa ay ipinalabas ang Christmas video presentation ng mga batang ECCD kasama ang kanilang Child Development Worker. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.