POPCOM COVID-19 Helpline, inilunsad

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Sa patuloy na pagsailalim ng maraming lugar sa bansa sa community quarantine bunsod ng pandemya, lumaki ang posibilidad ng pagtaas ng bilang ng mga nagbubuntis, kaso ng teenage pregnancy at domestic violence.

Dahil dito, naglabas ang Commisssion on Population (POPCOM) Region IV-A CALABARZON ng COVID-19 Helpline. Hangad ng nasabing helpline na matugunan ang suliraning kinakaharap ng publiko hinggil sa Responsible Parenthood and Family Planning (RPFP), Adolescent Health and Development (AHD) at Gender- Based Violence (GBV).

Ayon sa 2017 National Demographic and Health Survey, 16.2 % ng kababaihan edad 15-49 sa CALABARZON ang nakakaranas ng pisikal na pang-aabuso at 3.3% naman na sexual abuse.

Magsisilbing katuwang ng mga community health center ang helpline upang makapagbigay ng first line of assistance at support sa pamamagitan ng age-appropriate health information at referral sa social protection services. Nakipagtulungan din ang PopComm sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno upang mapigilan ang mga pang-aabusong nabanggit sa gitna ng nararanasang public health crisis.

Maaaring makipag-ugnayan sa official helpline number na 09171100499 para RPFP concerns, 09171227434 para sa AHD concerns at 09171468825 para naman sa mga isyu hinggil sa GBV. Naglagay din ng tarpaulin tungkol sa programang ito ang PopComm Division ng City Health Office sa ilang barangay sa lungsod.

Para naman sa mga nagnanais mag-family planning, ipinababatid nila sa lahat na mayroong available na commodities (family planning methods) sa mga barangay health center tulad ng pills, condom, injectables at iba pang contraceptives upang maiwasan ang wala sa panahong pagbubuntis. (