- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
First quarter evaluation monitoring ng KABRAD Solid Baybay Coordinators, tagumpay na naisagawa
- Details
- Saturday, 13 March 2021 - 4:32:44 PM
Naging matagumpay ang isinagawang evaluation at monitoring hinggil sa tamang pangangasiwa ng basura ng Solid Baybay cluster coordinators ng Katuwang ng Barangay Responsable Aktibo Disiplinado (KABRAD) ng city government sa mga coastal barangay ng lungsod para sa unang quarter ng taon.
Ang nasabing gawain ay kaugnay ng striktong implementasyon ng Batangas City Solid Waste Management Board ng R.A. 9003 o Ecological Solid Waste Manangement Act of 2000.
Binisita ng grupo ang 13 coastal barangays at 6 na island barangays ng lungsod upang masiguro na naiipatupad ang waste segregation, pagban sa paggamit ng plastic, kung may compost pit at gawing operational muli ang materials recovery facility (MRF) sa mga ito. Tiningnan ng grupo kung aktibo pa rin ang solid waste management council ng barangay at kung naiipatupad pa rin ang solid waste management plan nito sa gitna ng nararanasang pandemya.
Ininspeksyon din nila kung napanatili ang Project Free Throw sa bawat sitio kung saan dito itinatapon ng mga residente ang kanilang mga recyclable at residual wastes partikular ang pet bottles. Bilang resulta, 80% ng household sa nabanggit na mga barangay ang nakasunod sa waste segregation at pagban sa paggamit ng plastic.
Sa kabila nito, hinikayat pa din nila ang mga residente na isabuhay ang 9 R’s sa pangangasiwa ng basura- ang reuse, reduce, recycle, refuse, repurpose, reject, replace, recover at rethink upang makatulong na bawasan ang basura sa barangay. Muling bibisitahin ng KABRAD Solid Baybay cluster coordinators ang naturang mga barangay sa 2nd quarter ng taon. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.