Gender Equality, sentro ng Women’s Month celebration ng CLB

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Bilang pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso, isang online seminar on Gender and Development (GAD) ang isinagawa ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB), March 25.

Isa sa naging paksa ng seminar ang Women Empowerment, Health, Wealth Safety and Well-being in the Workplace. Nagsilbing resource speaker ang CEO ng Beyond Medical Hub at ang isa sa 100 Most Influential Filipina of the World awardee noong 2019 na si Dr. Maria Victoria Lualhati.

Tinalakay niya ang Women’s Empowerment Principles kung saan kabilang dito ang pagkakaroon ng high –level corporate leadership for gender equality; pantay na pagtrato sa mga kababaihan at kalalakihan sa trabaho, respeto sa karapatang pantao at walang diskriminasyon; tiyakin ang kalusugan, kaligtasan at kabutihan ng mga mangagawang babae at lalaki; pagtataguyod ng edukasyon, pagsasanay at professional development ng mga kababaihan at iba pa.

Hinikayat niya ang mga kababaihan na magsalita, ipaalam ang kanilang mga saloobin at huwag matakot magkamali. “Failure can be practical experience but it does not define you,” sabi ni Dr. Lualhati. Nagkwento rin siya ng ilang personal experiences kung saan aniya ang isang mahiyaing kabataang tulad niya noon ay naging matagumpay sa kanyang propesyon ngayon. “