- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
CLB ginawaran ng certificate of candidate status
- Details
- Thursday, 18 March 2021 - 2:23:03 PM
Ginawaran ng certificate of “candidate status” ng Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation (ALCUCOA) ang curricular programs ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB ) sa Bachelor of Elementary Education (BEED) at Bachelor of Science in Business Administration (BSBA noong ika-17 ng Marso.
Ito ay nakapasa sa ALCUCOA standards at evaluation na siyang unang level ng accreditation. Personal na ipinagkaloob ni ALCUCOA President and Executive Director at Chairman ng National Network of Quality Assurance Agencies (NNQAA) na si Dr. Raymundo Arcega ang certificate sa mga miyembro ng CLB management committee sa pangunguna ni CLB President, Dr. Lorna Gappi.
Ayon kay Dr.Arcega makasaysayan ang naturang accreditation dahil ang CLB ang tanging kolehiyosa bansa na sumailalim sa virtual accreditation noong September 30 hanggang October 2, 2020.
Nagkaroon ng evaluation sa 10 areas of accreditation na kinabibilangan ng curriculum and instruction; faculty; governance and administration; library; laboratory; research; student services; student development; community extension and employability.
"Na-impress ang mga accreditors sa CLB kung kaya’t hindi na kinailangan pa ng on-site evaluation,"sabi ni Dr.Arcega. Pinuri niya ang competence at passion ng mga guro sa pagtuturo at binigyang diin na sila ang mga tamang tao para sa CLB. Hinikayat ni Dr.Arcega na mag-apply muli ang nabanggit na kolehiyo sa level 1 ng accreditation pagkalipas ng anim na buwan sapagkat naniniwala siya na kaya itong makamit ng CLB lalo pa at accredited na ito as a higher education institution.
Ibinahagi ni Dr.Gappi ang kasiyahan sa nakamit na karangalan sa buong CLB community at hiniling ang patuloy na pakikiisa ng mga ito upang maisakatuparan ang kanilang layunin na makapagbigay na makabuluhan at mataas na kalidad ng edukasyon sa mga mag-aaral at iba pang stakeholders. Lubos ang kanyang pasasalamat sa mga ALCUCOA accreditor lalo’t higit kay Mayor Beverley Dimacuha sa patuloy na suportang ipinagkakaloob sa CLB. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.