- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Tugon sa tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa lungsod, inilatag
- Details
- Friday, 16 April 2021 - 4:33:04 PM
May 20 public schools sa lungsod ang nakatakdang gamitin bilang temporary quarantine o isolation facilities upang matugunan ang kakulangan sa pasilidad dahil sa dumadaming kaso ng COVID-19 sa Batangas City alinsunod sa Executive Order ni Mayor Beverley Dimacuha noong April 14.
Ang mga paaralang ito ay tinukoy ng COVID-19 Incident Management Team (IMT) ayon sa mga requirements ng Department of Health (DOH). Magugunita na may limang Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMFs) ang pamahalaang lungsod kung saan dinadala ang mga mild cases.
Ang mga severe cases naman ay dinadala sa mga ospital na tulad ng ibang bayan at lalawigan ay full capacity na din sa kasalukuyan. Sa magkasunod na pagpupulong ng IMT noong April 13 at April 16, ipinag-utos nina Mayor Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang agarang aksyon para mapigilan ang pagkalat ng virus at masolusyunan ang iba pang suliranin at pangangailangan kaugnay ng tumataas na bilang ng kaso ng nagpopositibo sa COVID-19.
Ipinag-utos nila na maihanda ang budget para makapag-hire ng karagdagang medical workers/personnel, makabili ng mga gamot , medical equipment, mga PPE’s at iba pang kailangang gamit upang higit na mapalakas ang COVID-19 response programs ng pamahalaang lungsod.
Inutos din nila ang mas maigting na information dissemination campaign at istriktong monitoring ng health and safety protocols para mapigilan ang pagkalat ng virus. Hiniling ni Mayor Dimacuha at Congressman Marino sa mga lider ng iba’t ibang religious denomination na magsagawa ng online spiritual at mental healing sa mga COVID-19 patients at sa City Social Welfare and Development Office (CSDWO) na magkaroon ng psychosocial debfriefing sa mga ito bilang paghahanda sa pagbalik nila sa komunidad. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.