- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Isa sa mga haligi ng sining at kultura sa lungsod, pumanaw na
- Details
- Tuesday, 20 April 2021 - 4:40:36 PM
Tunay na hindi matatawaran ang kontribusyon ng namayapang hepe ng Tourism Office ng lungsod na si Eduardo V. Borbon o "Sir Ed" sa pagpapayabong ng kultura at kasaysayan ng Batangas City. Sa kanyang pagpanaw noong ika-18 ng Abril sa edad na 70, masasabing nakatatak na sa mga Batangueno ang kanyang naiambag sa larangan ng sining at kultura. Nagsimula ito nang italaga siya ng yumaong si Mayor Eduardo B. Dimacuha bilang Vice Chairman ng Cultural Affairs Committee (CAC) noong 1988.
Sa kanyang rekomendasyon kay Mayor Dimacuha na buhayin at palaganapin ang tradisyon at kulturang Batangueño ay inilunsad ang Sublian Festival na naging daan upang buhayin ang sayaw na Subli na nagpapakita ng paraan ng panliligaw ng mga Batangueno noon at ang pagpupugay sa Mahal na Poong Sto. Nino at Poong Sta. Cruz.
Hangad din nito na maipasa ang lokal na kultura sa mga susunod na henerasyon. Itinanghal ang naturang sayaw sa Smithsonian Folkline Festival sa Smithsonian Institute, Washington DC kung saan isa siya sa presentors ng Philippine delegation. Napabilang din ang Sublian Festival sa calendar of events ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at nagwagi noong 2020 sa Philippine Live Entertainment, Arts & Festivals o LEAF Awards.
Binigyang buhay din ni Sir Ed ang iba pang mga tradisyon tulad ng harana at Rosario Cantada at ang pag-alaala sa kabayanihan ni Apolinario Mabini. Sa tulong niya ay nakapagtanghal ang ibat-ibang grupo mula sa CCP sa lungsod na naging daan upang tanghaling Regional Cultural Center ang Batangas City.
Sa pamamagitan pa rin niya ay nakapagtanghal ang ilang cultural groups ng lungsod sa national at international events sa CCP at iba pang lugar. Tumanggap sila ni Mayor Eddie ng PILAK award para sa katangi-tanging gawa sa sining at kultura sa komunidad mula sa CCP noong 2004.
Noong 2019, isa siya sa Gawad Gintong Duyan awardee ng pamahalaang lungsod ng Batangas (Culture and Arts category) na isang parangal na ipinagkakaloob sa mga natatanging Batangueno sa ibat-ibang larangan. Sa pamamagitan din niya ay nabago ang pagpili ng Bb. Lungsod na dati ay dinadaan sa popularidad o sa dami ng nakalap na pera.
Ngayon ito ay batay sa ganda at talino ng kandidata kung saan marami sa mga nagwagi ay nakarating sa rehiyon at nasyunal na timpalak pagandahan sa bansa. Para kay Sir Ed, isang pagsaludo at pasasalamat sa malaki niyang ambag sa culture and arts development ng lungsod. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.