- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Disiplina at damayan, makikita sa mga community pantry sa Batangas City
- Details
- Saturday, 24 April 2021 - 4:01:27 PM
Disiplina at damayan, makikita sa mga community pantry sa Batangas City Pagiging disiplinado at pagmamalasakit sa kapwa ang ipinamalas ng mga Batangueño sa maayos na implementasyon ng mga community pantry sa iba't ibang barangay at lugar sa lungsod.
Ito din ang adhikain na isinusulong ng Eto Batangueño Disiplinado program ng administrasyon ni Mayor Beverley Dimacuha lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ang community pantry ay konseptong sinimulan sa Maginhawa St. sa Quezon City na naglalayong magpaabot ng tulong sa mga higit na nangangailangan.
Ito ay may temang magbigay ayon sa kakayahan at kumuha batay sa pangangailangan. Unti unti na itong umuusbong sa ibat-ibang parte ng bansa. Kabilang sa mga nag set-up ng community pantry ay ang pamunuan ng Barangay 24 na tinatawag nilang "Hapag ng Bayan" na binuksan ngayong araw sa tulong ng GAYAKabataan na isang grupo ng mga kabataan sa lungsod, kanilang mga kaibigan at mga pribadong indibidwal na bukas ang loob sa pagtulong.
Naging maayos ang pagpapatupad ng unang araw ng community pantry dito. Lubos ang pasasalamat ni Kapitana Emma Tumambing sa lahat ng nagbigay ng donasyon sa naturang proyekto. “Overwhelmed is an understatement of what I feel kaya naman nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong, pero mas nakakatouch yung mga batang riles na nagpaabot ng donasyon mula sa maliit nilang kinikita”,sabi ni Tumambing.
Bukod sa mga groceries tulad ng de lata, tinapay, itlog at bigas, mayroon ding toiletries tulad ng sanitary napkins at diapers sa Hapag ng Bayan. Pwede ring mag-refill ng alcohol dito.
Tinitiyak ni Kapitana Emma ang istriktong implementasyon ng safety at health protocols sa pagsasagawa ng proyekto.Ayon kay Kapitana, tatagal ang Hapag ng Bayan hangga't may nagbibigay ng donasyon para sa mga residente ng nasabing barangay. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.