- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Pagbabakuna kontra COVID-19 sa A1 groups sa Batangas City, nagsimula na
- Details
- Wednesday, 21 April 2021 - 3:42:23 PM
Nagsimula na ang pagbabakuna ng unang dose ng Sinovac vaccine para sa 1,051 health professionals sa mga pampubliko at pribadong health facilities na kabilang sa A1 priority groups sa lungsod sa pangunguna ni City Health Officer Dra Rosanna Barrion, April 21.
Bukod sa mga kawani ng CHO, kabilang sa A1 group ang mga BHW, BNS, BSPO, BHERTS gayundin ang mga nasa dental clinics, free standing clinics (medical & optical), frontliners sa mga paaralan , healthcare, CDRRMO, DILG at CSWDO. Ang pagbabakuna ay tatagal hanggang Byernes sa Batangas City Convention Center na itinalagang isa sa mga COVID-19 vaccination sites sa Batangas City.
Ayon kay Dr. Barrion malaking tulong ang nasabing bakuna sa mga kawani ng CHO na araw-araw na humaharap sa hamon ng pandemya. Umaasa siya na sa mga darating araw ay dadating na din ang iba pang bakuna mula pa din sa national government para naman sa mga senior citizens.
Hinati sa tatlong batch ang tatanggap ng bakuna mula otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon. May anim na hakbang na ipinatutupad sa pagbabakuna. Una ay ang pag-i-isolate ng mga babakunahan sa waiting area. Susundan ito ng registration. Ikatlo ay ang counseling, ikaapat ang screening, ikalima ang vaccination at at panghuli ang post vaccination and monitoring kung saan maghihintay ang mga nabakunahan ng 15 hanggang 30 minuto para maobserbahan kung mayroong hindi magandang nararamdaman.
Ang ikalawang dose ay ipagkakaloob pagkatapos ng apat na linggo. Binigyang diin ni Barrion na kahit nabakunahan na, kinakailangan pa ding sumunod sa mimimum public health standards upang masiguro ang kaligtasan laban sa COVID-19. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.