- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Konstruksyon ng mga proyekto para sa disaster preparedness tapos na
- Details
- Wednesday, 09 June 2021 - 4:49:01 PM
Kasabay ng pagpasok ng panahon ng tag-ulan ay ang pagtatapos ng konstruksyon ng mga proyekto ng pamahalaang lungsod para sa disaster preparedness.
Ito ay ayon sa ulat ng Chairman ng Committee on Disaster Prevention & Mitigation na si City Engineer Adela Hernandez sa idinaos na 2nd quarterly meeting ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) noong June 8.
Kabilang sa mga DRRM completed projects na ito ay ang konstruksyon ng kanal sa barangay Mahacot Silangan at ang pagpapagawa ng satellite Disaster Operations Center (Dispatch Center for water Asset) - Phase 1 sa barangay Poblacion 4.
Natapos na rin ang rehabilitasyon ng kanal sa barangay Poblacion 2, Malitam, San Isidro, Tangisan Road sa Libjo; Sitio III-C sa Alangilan, Purok 7 at Puyo sa Sta. Clara. Mula sa pondo ng barangay ay naisaaayos ang seawall ng Sitio Maalbo sa barangay Dela Paz Proper.
Natapos na rin ang repair ng seawall sa Dela Paz Pulot Aplaya at Sitio Salalak sa Sta. Clara Ibaba gayundin ang riprap river control sa Mabacong at Purok 2 & 5 sa Talahib Payapa.
Nakumpleto na rin ang rehabilitation at installation ng canal cover, construction ng spillway at concreting ng mga karsada sa iba’t ibang barangay. Ayon kay Hernandez, bukod sa mga nasabing pagawain, patuloy ang kanilang tanggapan sa paglilinis ng mga drainage at pagrerepair ng manhole cover upang maiwasan ang pagbara na nagdudulot ng mga pagbaha. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.