- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City Jail, nananatiling COVID19-free facility
- Details
- Monday, 14 June 2021 - 3:55:47 PM
Nananatiling COVID-free ang San Jose Sico Jail sa lungsod ng Batangas. Ito ayon sa panayam ng programang PIO, ang lingkod nyo! kay BJMP SJInsp Glenn Sianquita ngayong araw.
Binigyang diin niya na ito ay dahil sa wala pa ding visiting privileges ang mga inmates simula pa noong ipatupad ang Enhanced Community Quarantine hanggang ngayong General Community Quarantine (GCQ). Layunin nito na masiguro na hindi makakapagdala ng virus ang mga bisita. Maging mga BJMP personnel ay limitado din ang paglabas at kailangang may negative swab test bago muling makabalik sa nasabing pasilidad.
Sa pamamagitan ng video call at telephone calls nakakausap ng mga persons deprived of liberty (PDL) ang kanilang mga mahal sa buhay habang sa pamamagitan naman ng video conference isinasagawa ang mga court hearings. Virtual din ang counselling at pagdalo nila ng misa tuwing Linggo upang matugunan ang aspetong isipiritwal ng mga ito.
May 45 inmates ang sumasailalim sa Alternative Learning System o ALS na isinasagawa sa pamamagitan ng modular distance learning. Lubos ang pasasalamat ni Warden sa suporta ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na patuloy aniya na tumutulong upang maging komportable ang kalagayan ng mga inmates at upang magkaroon sila ng sapat na suplay. Sa kasalukuyan ay may 334 male at 75 na female na PDL dito. (PIO Batangas City)
pic cto_BJMP-Batangas City Jail, Bjmp Batanga CJ FD
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.