Mga samahang pansibiko sumuporta sa mobile kitchen project ng pamahalaang lungsod

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Dalawang fraternal socio- civic organization ang nakatuwang ng pamahalaang lungsod sa pagbisita ng Mobile Kitchen sa barangay Sta Rita Karsada, June 17. Ang mga ito ay ang Batangas Masonic Lodge No. 35 at Batangas City Eagles Club na kapwa nagsasagawa ng charitable projects sa ibat ibang komunidad sa lungsod.

Ang nasabing mga samahan ay pinamumunuan ni Juvy Privado bilang Worshipful Master ng Batangas Masonic Lodge at sya ring Club President ng Batangas City Eagles.

Pinasalamatan nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang dalawang grupo sa suportang ipinagkaloob ng mga ito.

"Sa pakikipagtuwang ng mga ganitong organisasyon sa city government ay nakakatiyak na walang magugutom na taga lungsod",sabi nina Mayor Dimacuha at Cong. Mariño.

Ilan pa anilang mga pribadong samahan ang nagpahayag ng interes na tumulong sa Mobile Kitchen project.

Pinasalamatan din nila ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod sa paghahanda ng pagkain at maayos na pagsasagawa ng proyekto.

May 500 pamilya sa barangay Sta. Rita Karsada ang nakinabang sa hot meals na dala ng Magkatuwang Tayo Mobile Kitchen. (PIO Batangas City)