- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Monitoring ng City Safety Seal Inspection and Certification Committee nagsimula na
- Details
- Friday, 25 June 2021 - 4:33:42 PM
Nagsimula na ang City Safety Seal Inspection and Certification Committee ng monitoring at inspection ng mga estblisyimento sa lungsod bilang pagpapatupad sa “Implementing Guidelines of the Safety Seal Certification Program” na isinasaad ng joint memorandum circular ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DOT) at Department of Trade and Industry (DTI), June 25.
Unang binisita ng grupo ang Waltermart sa barangay Calicanto. Layunin ng safety seal certification program na istriktong maipatupad ng mga establisyimento ang mga health at safety at protocols kontra COVID-19 upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamimili. Sa pamamagitan din nito, mahihikayat ang publiko na tangkilikin ang mga business establishments na nagawaran ng safety seal. Ayon kay Armando Lazarte, EBDMT monitoring team head, magsasagawa sila ng inspection at monitoring araw araw bilang pagtalima sa kautusan ni Mayor Beverley Dimacuha na mapababa ang kaso ng COVID-19 sa Batangas City.
“Dati pa naming ginagawa ang pagmomonitor pero mas pinaigting pa namin ngayon dahil sa joint memo na dumating. Makakaasa ang publiko na hindi kami tumitigil sa pag-ikot at pagpapaala-ala sa kanila” sabi ni Lazarte.
Sinabi naman ni Ditas Rivera, hepe ng BPLO at Chairperson ng nabanggit na committee na may mga checklist silang pinagbabatayan upang malaman kung kwalipikado na mabigyan ng safety seal ang isang establishment. Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng valid business o mayor’s permit, pagkakaroon ng contact tracing tool gaya ng Staysafe.PH at mga kagaya nitong app, thermal scanner para sa mga empleyado at customers, health declaration sheet, QR codes para sa mga contact tracing tool, isolation area para sa mga identified symptomatic employees.
Dapat din aniya na may COVID 19 emergency hotlines na nakapaskel sa strategic na lugar, handwashing stations, physical barriers para sa social distancing at personnel-in-charge para dito, may sapat na bentilasyon alinsunod sa DOLE Dept Order 224-21, disinfection protocol, regular na paglilinis at disinfection ng lugar, pagsusuot ng face masks at face shield, pagkakaroon ng mga Safety Officers gayundin ang pagkakaroon ng storage facility para sa mga gamit na face mask at ibang infectious wastes.
Binanggit naman ni Abigail Mondala, Mall Operations Manager ng Waltermart ang ilang mga inobasyon ng kanilang mall tulad ng Grab and Use a Sanitized Chair at holding area na nakapwesto sa isang well-ventilated na lugar ng mall. “Hindi pa man lumalabas ang memo tungkol sa City Safety Seal, ginagawa na namin ang ibat-ibang hakbang para sa karagdagang proteksyon ng aming mga mamimili at ng aming mga empleyado, ” pagdidin ni Mondala. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.