- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
CLB, Gawad Parangal 2021 awardee ng CHED
- Details
- Saturday, 26 June 2021 - 4:44:38 PM
Personal na tinanggap ni Mayor Beverley Dimacuha ang karangalang iginawad ng Committee on Higher Education (CHED) sa Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) sa Gawad Parangal 2021 na ginanap noong June 26 sa Convention Center ng Batangas State University (BSU).
Ang nasabing parangal ay bilang pagkilala sa kontribusyon ng CLB sa larangan ng free education sa bansa. Kasama ni Mayor Dimacuha na tumanggap ng karangalan sina Dr. Lorna Gappi, CLB President at CLB Budget Officer III Brian Deguito.
Ang CLB ay isa lamang sa 16 Local Universities and Colleges (LUC) sa rehiyon na ginawaran ng pagkilala. Lahat sila ay tumanggap ng trophy, plaque of recognition at eligible sa lahat ng benepisyo na nakapaloob sa RA 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education.
Bukod sa libreng tuition, ilan sa mga benepisyo na matatanggap ng CLB ay ang Free Higher Education and Tertiary Education subsidy programs kung saan may Student Loan Program for Tertiary Education na pinopondohan ng national government. Ayon sa Chairman ng CHED at nagsilbing guest speaker sa okasyon na si Hon. J. Prospero E. De Vera III, taong 2017 nang ipasa ng kongreso ang RA 10931 na naglalayong tulungan ang mga kabataan na nagnanais mag-aral subalit may kakulangang pinansiyal.
Binigyang diin niya na humigit-kumulang sa 1.6 milyong mga kabataan na ang natulungan ng batas na ito. “Alam namin kung gaano kahirap mag-provide ng isang mura pero de-kalidad na paaralan sa panahong ito kaya naman lubos ang aming kagalakan sa mga local government units (LGU) na nagtatayo ng LUC. Kulang ang mga ganitong pagkilala sa malasakit na ipinakikita ng ating mga LGU,” sabi ni De Vera.
Nagpahayag naman ng paghanga si BSU President Dr. Tirso Ronquillo sa CLB. “ Hindi biro ang mabigyan ng ganitong parangal, ibig sabhin nito ay nakapasa sila sa standards of effective learning systems and administration of the local colleges, high standard of school facilities and equipment at sustainability of operations. Kaya ang maging host sa memorable event na ito ay isang karangalan para sa amin,” ayon kay Ronquillo.
Ibinahagi ni Congressman Mario Vittorio Mariño, kinatawan ng 5th District of Batangas ang naging proseso upang maipasa ang Universal Access to Quality Tertiary Education. “Baguhang kongresista pa lamang ako noon at ang batas na ito ang una naming ipinasa. Masusi kaming naghanap ng pondo kung saan may initial na P 8 billion kaming nakita at nire-align sa CHED,” binigyang diin ni Congressman.
Pinasalamatan din niya ang mga local chief executives ng bawat bayan at lungsod dahil sa suporta ng mga ito para magkaroon ng free at quality education sa kanilang mga nasasakupan. Nangako siya na isusulong na madagdagan pa ang budget ng CHED. Nagbigay din ng mensahe sina Atty. Ryan Estevez, OIC, Office of the Executive Director ng UNIFAST, Hon. Mayor Eric Africa, at Dr. Rene Colocar, Presidente ng Association of Local Colleges at Universities. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.