- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Child Development Workers Week 2021, ipinagdiwang
- Details
- Monday, 28 June 2021 - 4:48:48 PM
May 100 child development workers mula sa mga pampubliko at pribadong child development centers sa lungsod ang lumahok sa three-day virtual seminar sa pagdiriwang ng Child Development Workers Week 2021, June 28.
Ito ay may temang “Child Development Worker’s ECQ: Enhanced Commitment Towards Quality Early Education Amidst the Pandemic”. Layunin ng nasabing seminar na patuloy na maiangat ang antas ng kaalaman ng mga child development workers hinggil sa mga programa at batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga bata lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Ayon kay CSWD Officer Mila Española, hindi hadlang ang nararanasang krisis sa pagpapatupad ng Early Child Care (ECC) programs ng pamahalaang lungsod. Sa pamamagitan aniya ng ganitong mga virtual seminar at iba pang alternative mode of learning delivery ay napapaunlad ang social at emotional capabilities ng mga day care teachers.
Ilan pa rin mga paksang tinalakay dito ay ang paghahanda sa panahon ng kalamidad at mahahalagang impormasyon tungkol sa RA 10821 o “Children’s Emergency Relief and Protection Act na tinalakay ni City Disaster Risk Reduction Management Officer (CDRRMO) Rod dela Roca.
Ipinabatid naman ng kinatawan ni City Health Officer Dr. Rosanna Barrion na si Dr. Nielsen Aguila ang kahalagahan ng bakuna sa mga bata gayundin sa mga matatanda bilang proteksyon laban sa mga sakit.
Sa mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha, inihayag nito ang kanyang paghanga sa mga child development workers na nagpapakita ng tunay na dedikasyon sa pagkalinga sa mga bata sa kabila ng mabigat ng mga responsibilidad na kanilang ginagampanan. “ Umaasa ako na patuloy ninyong magagabayan ang mga kabataan sa pagkakaroon ng magandang asal upang lumaki silang mabuting mamamayan,” sabi ni Mayor Dimacuha.
Ang virtual seminar ay pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at ng Batangas City Child Development Workers Association. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.