- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Webinar para sa Mental Health Awareness ng mga PWD, isinagawa
- Details
- Thursday, 15 July 2021 - 4:26:22 PM
Isang online webinar ang isinagawa ng City Social Welfare & Development Office (CSWDO) noong ika-14 ng Hulyo na naglalayong mapalakas ang kampanya hinggil sa mental health awareness ng mga persons with disabilities (PWD) lalot higit ngayong panahon ng pandemya.
Nagsilbing resource speaker ang Chapter Executive Manager ng Philippine Mental Health Association na si Hazel Magpantay kung saan nagbigay siya ng mahahalagang impormasyon hingil sa maaaring maranasan ng mga PWD’s ngayong may COVID-19 pandemic at nagbigay din ng payo kung paano malalampasan ang mga challenges na ito. Malaki aniya ang epekto ng nararanasang krisis sa mental health ng mga PWD kung kayat mahalaga na matulungan ang mga magulang ng mga ito sa mga paraan kung paano magagabayan ang kanilang mga anak.
Binigyang diin ni CSWD Officer Mila Espanola na malaki ang tulong at suportang ipinagkakaloob ni Mayor Beverley Dimacuha sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa para sa mga may kapansanan sa lungsod. Nagpaabot ng pasasalamat ang mga myembro ng PWD Federation sa pagbibigay ng halaga at sa pagkalingang ipinagkakaloob sa kanila ng lokal na pamahalaan.
Ang nasabing gawain ay bilang pagunita sa ika-43rd National Disability Prevention & Rehabilitation (NDPR) Week na may temang “Kalusugan at Kaunlaran ng Pilipinong may kapansanan Isulong sa Gitna ng Pandemya” (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.