Anibersaryo ng BSPO, ipinagdiwang

  1.jpg 10.png 11.jpg 12.png 13.png 14.png 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.png 9.png

Pinarangalan ng pamahalaang lungsod ang mga Barangay Service Point Officers (BSPO) sa pagdiriwang ng ika-32 taong anibersaryo nito noong ika-12 ng Hulyo. Tema ng selebrasyon ay “BSPO, Patuloy na Maglilingkod Para sa Masaya at Planadong Pamilyang Batangueno".

Sa isang maikling programa na isinagawa via zoom, tinawag ni Mayor Beverly Dimacuha ang mga BSPO na mga bayani dahil sa kanilang ambag bilang mga frontliner na katuwang ng lungsod sa pagpapatupad ng mga programa partikular sa responsible parenthood at reproductive health lalot higit ngayong panahon ng pandemya.

Nagpaabot naman ng pagbati at pasasalamat si City Health Officer Dra. Rosanna Barrion sa dedikasyon ng mga BSPO upang masiguro ang kalusugan ng pamilyang Batangueno. Naglunsad ang Population Commission Division ng CHO ng Tiktok Challenge kung saan nanalo ng unang pwesto ang Unit 3, 2nd place ang Unit 6 at 3rd place ang Unit 1B at Unit 2.

Nagkaroon din ng raffle at palaro para sa mga ito. Ginawaran ng certificate of recognition ang mga retiradong BSPO na matagal na sa serbisyo. Sila ay sina Yolanda Magcamit ng barangay Balete, Alejandra Catapang ng Dumuclay, Nida Arellano ng Pagkilatan, Virginia Babao ng Libjo, Prudencia Leornas ng San Adress Isla Verde, Patricia Maria Arellano ng Ilijan at Felixberta Reyes ng Talahib Pandayan. (PIO Batangas City)