- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Pista ng Kalikasan, isinagawa
- Details
- Friday, 16 July 2021 - 4:35:18 PM
May 70 endemic trees ang itinanim sa mga bakanteng lote sa Batangas City Grand Terminal bilang bahagi ng Pista ng Kalikasan ngayong araw, July 16. Ang mga ito ay tuog, narra, molave at alibangbang.
Ang tree planting ay isa sa mga gawaing inihanda para sa pagdiriwang ng ika-52 taong pagkakatatag ng lungsod. Ang pagtatanim ay pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) kasama ang ilang opisyales ng Batangas Ventures Properties and Management Corporation na operator ng grand terminal.
Ayon kay Oliver Gonzales, hepe ng City ENRO, ang tree planting ay taon-taon na isinasagawa bilang commitment ng pamahalaang lungsod sa greening program nito. “Ilan sa mga puno na itinanim ay galing sa mga replacement o pamalit sa mga punong pinutol noon habang ang iba naman ay bigay ng Malampaya Foundation,” sabi ni Gonzales.
Lubos ang kagalakan ng pamunuan ng Batangas Ventures sa pagkakapili sa kanila bilang partner ng city government sa nasabing gawain. Ayon kay Christy Villamor, Finance and Administration Manager ng naturang kumpanya, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mapangalagaan ang mga punong itinanim upang hindi ito masayang.
“Malaking tulong ang mga puno sa amin bilang absorbing agent dahil marami ditong sasakyan na nagdudulot ng polusyon kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa city government,” ayon kay Villamor.
Idinagdag din niya na ang Operations and Safety Department nila ang siyang nakatalagang mangalaga at magbabantay sa mga puno. (Batangas City PIO)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.