- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Populasyon sa Batangas City, tumaas ayon sa PSA
- Details
- Saturday, 28 August 2021 - 4:41:42 PM
Umabot na sa 351,437 ang kabuuang bilang ng populasyon ng lungsod ng Batangas base sa resulta ng isinagawang Census of Population and Housing (CPH) ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang taon.
Ito ang ibinahagi ni City Planning and Development Officer Engr. Januario Godoy sa virtual Full Development Council meeting na isinagawa noong ika-27 ng Agosto. Mataas aniya ito ng 21, 563 kumpara noong 2015 kung saan huling nagsagawa ng census ang PSA. "Mula 2015-2020 ang growth rate ng lungsod ay 1.34 kada taon, bahagya itong bumagal kumpara noong 2010-2015 census na may growth rate na 1.46 annually,” sabi ni Godoy.
Ayon pa rin aniya sa datos ng PSA, Sta Rita Karsada ang barangay na may pinakamalaking populasyon. Mayroon itong 20,321 inhabitants na dahilan kung kayat pang-apat ito sa lalawigan na may maraming bilang ng mga naninirahan. Ang Barangay 22 naman ang least populous barangay sa lungsod na mayroon lamang na 94 na residente kumpara noong 2015 na mayroon itong 221 na mga residente.
“Ang Poblacion 22 ay isang commercial barangay. Maaaring karamihan sa residente dito ay mga empleyado na nagsibalik na sa kanilang mga lugar nang magkaroon ng pandemya na nagdulot ng drastic na pagbaba ng bilang ng populasyon dito. Ito ang kailangang iverify sa PSA at sa barangay officials ng Barangay 22,” dagdag pa niya. Nanguna rin ang Sta. Rita Karsada sa pagkakaroon ng pinakamalaking annual budget na umabot sa P25,720,569.
Pumangalawa ang Tabangao Ambulong na may budget naman na P21,140,100. Sta. Rita Karsada din ang mayroong pinakamalaking barangay share sa Internal Revenue Allotment (IRA) kung saan mayroon silang IRA na P15,087,005. Sinundan ito ng Barangay Alangilan na mayroong IRA na P12,597,321.
Bahagi pa rin ng Batangas City Development update, iniisa-isa ni Eng. Godoy ang ilang infrastructure projects na kasalukuyang ginagawa sa pamamagitan ng tanggapan ni 5th District Congressman Marvey Mariño at ng pamahalaang lungsod Ito ay ang Construction of STAR Tollway-Pinamucan By-pass Road, Construction of Batangas City-San Pascual-Bauan By-pass Road, Construction of Fly-over Balagtas Interchange, Construction of RCDG Bridge sa Barangay Dumuclay, Construction of River Wall Protection along Calumpang River, at ang Construction of Pedestrian Overpass sa Balagtas.
Lubos ang pasasalamat ni Congressman Mariño sa suporta ng city government sa mga nabanggit na infrastructure projects na matagal na niyang nais magkaroon ng katuparan. “Konsehal pa lamang ako, nasa isip ko na ang mga pagawaing ito. Malalaking proyekto ang ating inuuna dahil pinag-aaralan natin kung anong mga proyekto ang magkakaroon ng malaking impact sa Batangas City. Kung uunlad ang lungsod, kasabay na uunlad ang mga barangay,” sabi ni Congressman. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.