- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mabuting kaugalian ng mga Batangenyo, ipinaala-ala ni Mayor Dimacuha
- Details
- Saturday, 28 August 2021 - 4:57:23 PM
Naging emosyonal si Mayor Beverley Dimacuha nang manawagan sa mga mamamayan ng lungsod na huwag kalimutan ang magagandang kaugaliang ipinamana ng ating mga magulang sa kabila ng malaking pagbabago at kaunlaran ng lungsod ng Batangas. Ito ang kaniyang pahayag sa isinagawang virtual Full Development Council Meeting ng Batangas City Development Council (BCDC) kamakailan kung saan siya ang tumatayong chairman.
Ayon kay Mayor, layunin ng nasabing pagpupulong na planuhin at ilagay sa maayos na perspective ang kinabukasan ng Batangas City kaalinsabay ng pagkakaroon ng malayang pagpapahayag sa mga nakikita at naririnig sa kapaligiran. “Likas sa mga Batangenyo ang pagiging matapang at higit na lumalakas sa kabila ng mga adversities na ating nararanasan. Sana, kasabay ng mga ginagawang pagpapaganda ng lungsod, pagandahin din natin ang character ng bawat isa,” dagdag pa ni Mayor.
Binanggit na halimbawa ni Mayor Dimacuha ang kaniyang mga nababasa sa social media kung saan laganap ang negativity lalo’t higit ang bashing hindi lamang sa gobyerno kundi maging sa personal na buhay ng isang tao. “ Malaking challenge sa ating lahat ang pandemyang ito pero hindi ito lisensya para maging masama tayo sa ating kapwa. Kapag nalampasan natin ito, we should be better and united as a nation,” payo ni Dimacuha.
Hiniling ni Dimacuha sa mga opisyales ng lungsod at ng mga barangay na dumalo sa nabanggit na pagpupulong na payuhan at akayin ang mga kabataan at maging mabuting halimbawa. “Sa mga kasama ko sa serbisyo publiko, sama-sama nating dalhin sa magandang direksyon ang lungsod. Paalalahanan ang ating mga kabataan na huwag makalimot sa mga pinamanang kaugalian ng ating mga magulang. Huwag nawa sana silang mahirati sa mga gawain na balang araw ay magdudulot ng pagkakawatak-watak sa ating mga nasimulan,” pagbibigay-diin ni Mayor. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.