- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Search for Best Employee, isinagawa ng Batangas City government
- Details
- Tuesday, 28 December 2021 - 4:09:25 PM
Wagi si Maria Claret Godoy ng City Planning and Development Office (CPDO) sa Search for Best Employee ng Batangas City government para sa taong 2020-2021.
Si Godoy ay isang licensed Environment Planner at kasalukuyang Project Evaluation Officer I sa nabanggit na tanggapan. Siya ay 9 na taon ng kawani ng pamahalaang lungsod. Layunin ng patimpalak na bigyang parangal ang mga empleyado na nagbahagi ng mga innovative ideas, superior accomplishments, exemplary behavior at ibang pang personal na kontribusyon na nakatulong sa pagpapaunlad ng serbisyo ng pamahalaang lokal.
Kabilang sa criteria ay ang natatanging pagganap sa tungkulin ng empleyado base sa kanyang actual performance of duties and function. Nakapaloob dito ang kanyang accomplishments mula July 2020 hanggang June 2021 na nagpakita ng kaniyang kontribusyon upang maging produktibo ang ahensya, departmento, mga katrabaho at komunidad.
Naging batayan rin ang Individual Performance Commitment and Review (IPCR) rating, work attitude ng mga empleyado at iba pa. May 17 na kawani sa ibat-ibang departamento ang naglaban laban sa Search for Best Employee. Si Godoy at ang 16 pang nominado ay tumanggap ng cash prize at plaque of recognition mula kay Mayor Beverley Dimacuha.
Ang search ay pinamahalaan ng Human Resource Development Management Office (HRMDO) katuwang ang Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee na siyang nagsagawa ng assessment and evaluation sa mga nominado ayon sa itinakdang criteria for selection. Katulong din dito ang ilang pribadong indibidwal. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.