Batangas City zero fire incident sa pagsalubong sa Bagong Taon

  1.jpg

Iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City  na walang insidente ng sunog sa lungsod  sa pagdiriwang ng   Bagong Taon.

Ayon kay Fire Chief INSP.  Jeffrey Atienza, matagumpay ang kanilang isinagawang OPLAN Paalala-Iwas Paputok 2021 na naglalayong magbigay ng paalala upang maiwasan ang anumang sunog na maaaring makapinsala sa mga ari-arian o buhay kaugnay ng paggamit ng mga paputok.
Ito ay may temang “Sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa”.

Nagkaroon aniya sila ng  firetruck visibility sa ibat ibang barangay ng lungsod kung saan ipinahatid sa mga residente ang ilang mga paalala upang makaiwas sa sakuna sa pagsalubong sa 2022.

Nagsagawa din sila ng fire safety  inspection sa itinalagang lugar na pamilihan ng mga   fireworks at firecrackers at ipinaliwanag sa kanila ang mga alituntunin na dapat nilang sundin upang masiguro ang kaligtasan ng lungsod.

“Sa pamamagitan ng pagpapahatid ng mga paalala at pakikipagtulungan ng mga Batangueno sa pagsunod sa mga alituntunin sa pagdiriwang ng bagong taon, ay nairaos ng  mapayapa at ligtas ang pagsalubong natin sa bagong taon,” sabi ni Atienza. (PIO Batangas City)