TINGNI: Nakatakdang lumahok ang pamahalaang lungsod ng Batangas sa Earth Hour 2022

  1.jpg

TINGNI: Nakatakdang lumahok ang pamahalaang lungsod ng Batangas sa Earth Hour 2022 na gaganapin sa Sabado, ika-26 ng Marso mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi.
Ito ay ang sabay sabay na pagpatay ng ilaw o kuryente upang makatulong sa pandaigdigang kampanya na mabawasan ang climate change.

Ang Earth Hour na sinimulan noong 2007 ang isa sa mga matagumpay na kampanya ng World Wide Fund for Nature (WWF) upang mapalawak ang public awarenesss sa pangangalaga ng kapaligiran.

Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang lahat ng kawani nito, mga opisyales ng barangay at mga industriya at establisyimento sa lungsod na makiisa dito upang mabawasan ang global warming na ang isang sanhi ay ang emission ng mga ilaw.

“Shape our Future”ang tema ng Earth Hour sa ika-15 taong nang pagtataguyod nito.
( PIO Batangas City)